CHAPTER 7

629 20 2
                                        

Ayaw ko mang sumakay pero sadyang mapilit si sir.

Kaya't heto ako ngayun naka upo sa loob ng sasakyan nya.

"Hindi nyo na po ako dapat ihatid pa sir.. nakakahiya naman po sa iyo baka po may lakad pa kayo at naabala ho kita?" Sabi ko rito habang nagmamaneho ito

"Its ok.. . Just show me the way kung saan ka nakatira.." sagot nito habang seryosong nagmamaneho parin.

"S-sige po" 

Malapit lang naman ang tinutuloyan ko dito... . . kung mag jejeep ako aabutin ng 15mins. dahil marami pang dadaanan bago makarating pero dahil kotse ni sir ang gamit ay 10mins. palang nakarating na kami.

"Ahmm.. jan lang po sir sa may gilid ng gate" sabi ko rito habang tinuturo yung gate ng apartment na tinutuloyan ko.

Hininto naman nya ito sa tapat ng gate pagkatapos ay dali-dali itong lumabas at umikot papuntang side ko para buksan ang pinto.

Napa-awang ang bibig ko sa ginawa nya. Hindi ko aakalaing Gentlemen pala itong si sir sa mga katulad ko.

Nakatingin lang ito sa akin habang pababa ako. Feeling ko unti-unti akong nalulusaw sa mga titig nya.

Gumilid ako nang kunti para masarado nya ang pinto.

"Ahmm.. . .salamat po sir.. sa ..pag hatid.. baka.. b-baka gusto mo munang pumasok para mag ..ahmmm.. kape?" Alok ko dito para kahit papaano ay masuklian ko yung paghahatid nya sakin.

Tumaas ng kaunti ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig parin sa akin.

"Sure" maikling sagot nito na ikina taranta ng sistema ko kaya dali-dali akong nagtungo sa gate para papasukin ito.

Nakasunod lang ito sa akin habang papunta ako sa pintuan ng apartment ko para mabuksan agad iyon..

"Tuloy po kayo sir.. pasensya na talaga.. kung medyo maliit itong apartment ko.. . ." Pilit na ngiting sabi ko.

Pumasok naman ito at nilibot lamang ang tingin sa buong apartment ko.

"Upo po kayo sir.." paglalahad ko sa kahoy na upoan.

Umupo naman sya na walang pag dadalawang isip.

"Ipag titimpla ko muna kayo ng kape sir.. nandito lang ako sa kusina kung sakaling may kailangan kayo."

Tumango lamang ito kaya dumiretcho na ako ng kusina para magtimpla ng kape.

Nag iinit palang ako ng tubig ng biglang makaramdam ako ng presensya sa likod ko kaya agad ko itong nilingon.

"Can i sit here instead?" Tanong nito habang tinutoro ang lamesa at upoan dito sa kitchen kung saan ako kumakain.

"O-ofcourse sir .. upo kalang.." sabi ko rito.

Agad naman itong umupo. At binaling at tingin sa akin. Parang pinagsisihan ko na pumayag ako dahil nanatili itong nakatingin sa akin na ikinailang ko kaya ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa takore.

Maya-maya pa ay tumunog na ang takore senyales na pwede na kaya kinuha ko na ito para lagyan ang dalawang tasa na hinanda ko kanina na may lamang 3in1 na kape.

Hindi ko alam kung gusto ito ng panlasa ni sir. Dahil nasisigurado kung hindi 3in1 ang mga sineserve sa hotel nya.

"Ito ho ang kape nyo sir.. . Ahmm.. sana ok lang po yan sa iyo.. yan lang ho kasi ang meron ako rito." Sabi ko rito habang nilalapag yung kape sa harap nya.

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon