CHAPTER 4

659 16 0
                                    

Nagulat ako sa kanyang sinabi.. . .
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakadinig ko o na misunderstood ko lang ang ibig sabihin nya?

"Si--sir? Ahmm.. . Kasi.. . Nakakahiya po".
Hindi mapakaling sagot ko rito.

Nangunot ang nuo nito
"What do you mean? Nakakahiya ba akong kasalo kumain?"

Nanlaki ang mata ko sa pagkakaintindi nya sa sinabi ko.
"Naku hindi ho sa ganun sir... . .pero diba housekeeper lang ako rito? Parang hindi po magandang tingnan na sumabay akong kumain sa amo ko."

Tumango ito na parang naiintindihan ang point ko.
"But i insist! Hindi masarap kumain mag-isa.. please just sit down."

Inilahad nito ang upuan sa harap nya.

Wala akong naging choice kundi ang kumuha ng extrang plato at tinidor at naupo kaharap sya.

Mukhang nasiyahan naman ito dahil napansin ko ang munting ngiti sa kanyang mga labi.

Nauna itong sumandok ng carbonara para ilagay sa kanyang plato at pagkatapos noon ay naglagay narin ako sa aking plato.

Tinitigan ko ito at hinintay na isubo nito ang carbonara sa kanyang bibig... . . Mula sa kanyang makisig at malaking kamay at braso... . . Papunta sa kanyang labi.. . Nang nginuya nya ito dumapo ang tingin ko sa kanyang panga na nag rereflex dahil sa pagnguya nito... . . Lumipat ang tingin ko sa kanyang mga mata.. na nakatingin rin pala sa akin kaya bigla akung pinamulahang yumuko at nagsimula naring kumain.

It taste good!
Komento nito sa niluto kung carbonara.

Thank you po sir!
Nahihiya kung sabi dito.. well atleast kahit papanu eh nagustuhan naman nya ang luto ko.

Magana itong kumain.. siya yata ang nakaubos ng buong carbonara.. . .na ikina saya ng damdamin ko dahil may naka apprriciate ng luto ko. At naubos pa!

Pagkatapos kumain ay nagsimula na akung maglinis nang mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo para mahugasan.

Nag simula na akung maghugas ng mga pinggan nang biglang may magsalita.

"So... . . . Rose? How old are you?"
Nagulat ako dahil akala ko ay umalis na ito pagkatapos kung malinis ang lamesa. Hindi pa pala.

"Ahmm.. 21 po sir.."
Nilingun ko ito para sumagot pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin ko sa hinuhugasan ko dahil hindi ko kayang mag-tagal ang tingin sa kanya.

"Hmm.. I see.. fresh graduate?"
Patuloy nitong tanung

"Yes po"
Sagot ko rito na hindi na lumingun ulit sa dereksyon nya.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan kaya pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas.

Nang matapos ako ay lilingunin ko na sana si sir kung naryan pa ba siya pero bigla akung nakaramdam ng presensya sa likod ko. Ang kamay ko na nakahawak sa gripo ay biglang nanginig nang may dumampi ditong kamay para mabukasan ulit ito. Ramdam na ramdam ko ang init ng presensya nya sa aking likod kahit hindi naman ito nakadikit sa akin pero sapat na para hindi ako makagalaw at makaalis sa posisyon namin. Naghuhugas ito ng kamay habang ako ay hindi halos huminga sa pwesto namin.

Pagkatapos nyang mag hugas ay hindi sya agad umalis ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga sa tenga ko kaya maslalo akung kinakapos ng hininga.

Lalo na nang biglang lumapat ang kanya labi sa aking tenga at bumulong.

"Your undeniably beautiful just like your name.. . . Rose."

_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

Johan's Note: sorry short update muna. Bawi ako next time medyo busy lang sa school works 😥😇

Promise babawi ako next CHAPTER 🤗🙏🙏🙇🙇

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon