CHAPTER 15

668 24 16
                                    

Sa isang malaking MALL kami tumigil. Sa isip-isip ko palang ay wala talaga akong mabibili rito na mura marahil ay isang bagay lang ang makakayang bilhin nitong sweldo ko rito. Akala ko ay sa may tiangge kami pupunta.

"Thunder? Ano kasi.. . ." Ako na nagmamasid sa labas nang bintana habang ito ay nagpa-park nang kanyang sasakyan dito sa parking area nang mall.

Lumingun naman agad ito sa akin nang maayos nya itong na park.

"What is it?" Tanong nya.

"Wala kasi akong mabibili kung dito tayo... . . "  medyo alanganin ko pang sabi.

"Why..? This Mall contains everything baby.." nag-aalala pa nitong sabi.

"Hindi naman sa ganun... . . " paano ko ba sasabihin sa kanya yung budget ko?

Nanatili itong naka titig sa akin habang naghihintay nang sagot. Dahil narin siguro sa tagal kong sumagot ay napag desisyonan nitong lumabas at umikot sa gawi ko para pag buksan ako.

"Whatever your reasons... . . Nandito lang ako" seryoso nitong sabi sabay hawak nito sa kamay ko.

Wala akong nagawa kundi bumaba na rin at magpatianod sa hawak nito.

Habang nag iikot kami ay may napansin akong sale sa may gawi nang mga appliances kaya napatigil ako bigla na naging dahilan nang pagtigil din nito dahil hawak-hawak nito ang aking kamay.

Nasundan agad nya nang tingin kung saan ako nakatingin kaya walang tanong-tanong na pumunta kami dun.

Namili ako nang mga murang gamit na kakailanganin ko sa tinitirhan ko. Pansin ko na mas makakatipid ako kung yung mga 'by set' yung pipiliin ko kaya yun agad yung mga kinuha ko. Kahit sale ay may kataasan parin ang presyo kompara sa tiangge pero ok narin ito kahit papaano.. dahil matitibay naman.

Nasa likod ko lang si Thunder habang namimili ako... nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa mga pinipili ko at nilalagay sa basket na kinuha ko kanina sa may intrada.

"I think the items right there is more better... . . " hindi na pigilang saad nito habang nakabaling ang ulo sa kabilang shop na nagbebenta nang mga brand new at branded na mga appliances.

Ewan ko at hindi ata nito maintindihan ang aking sitwasyon.

"Thunder... . . . . .mas mura kasi dito" alanganin ko pang sabi pero sa huli ay nasabi ko parin para maintindihan nya yung dahilan ko.

Bigla naman itong natahimik at napatitig nalang sa akin. Nginitian ko nalang ito at tinapos ang pamimili ko para madala na sa counter at mabayaran.

Tiningnan ko muna lahat kung pasok sa budget ko at kung kakailanganin ko ba talaga ito lahat.. . . Nakuntento naman ako kaya napag desisyonan ko na pumunta na sa may counter para magbayad ... pero napatigil ako sa parting may mga mug... . . May nakita akong pares nang mug na sobrang cute naisip ko na magandang mug yun para sa aming dalawa ni thunder yung isa ay kulay puti na may itim na print nang Queen tapos yung isa naman ay kulay itim na may puting print na King. Since abot naman ito sa budget ko ay kinuha ko agad at dumeretcho na sa counter.

"1,240 pesos maam" Nakangiting saad nang kahera. Inabutan ko ito nang dalawang libo pero kasabay din noon ang isang card mula kay thunder. Agad namang naguluhan ang kahera kung kanino sa aming dalawang bayad ang tatanggapin nya.

Agad ko namang nilingun si thunder na may naiiritang tingin.

"Ako ang mag babayad nito thunder" sabi ko sa kanya.

Pero mukhang may katigasan talaga nang ulo itong kasintahan ko at inosenting nginitian pa ang kahera at mas lalo pang inilapit rito ang card nya.

"I'll pay for this miss"

Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Kay thunder ba na binyaran yung pinamili ko at nginitian yung kahera o yung kahera na kinikilig habang pina-punch yung resibo dahil lang sa simpling ngiti ni thunder sa kanya.

Ewan ko at sa unang pagkakataon nakaramdam ako nang inis... pero mas pinili ko nalang na manahimik.

Pagkatapos magbayad ay si Thunder mismo ang nag bitbit nang lahat nang pinamili namin. Gusto kung kunin man lang kahit yung nasa kabilang kamay nya para hindi masyadong mabigat pero nawalan talaga ako nang gana. Nanatili akong tahimik na lamang.

"Is this all you need to buy ...Rose baby?" Tanong nito sa akin.

Tumango lamang ako. Dahil wala narin naman akong gana pang mamili. Mabuti sana kung nasa divisoria kami at marami talaga akong mabibili.

"Where do you want to eat then..?" Nakatitig na ito sa akin na para bang binabasa nito bawat galaw ko.

"Kahit saan nalang..."

Doon na yata nya napansin na may kakaiba sa kilos ko kaya agad naman akong ngumiti para di nito mahalata.

Hindi ko alam kung anong iniisip nya ngayun pero tumango na lamang ito at ito na rin ang nag desisyon kung san kami kakain.

Habang kumakain kami sa isang restaurant kung saan may buffet para sa lunch. Ito talaga ang pinili ni thunder dahil baka daw nagugutom na ako at ayaw nya daw omorder at maghintay nang matagal mas mabuti nadaw ang buffet dahil makakapili daw ako nang mga gusto ko nang maayos.

Napansin nya yata na tahimik lang akong kumakain.

"May problema ba... ." Medyo alanganin pa nyang tanong.

Umiling lang ako para ipahiwatig na wala namang problema pero mukhang hindi nya nagustohan ang paraan ko nang pag sagot.

Nanatili itong tahimik at mukhang malalim ang iniisip... hanggang sa matapos kaming kumain at magbayad... hanggang sa nakalabas kami nang mall at nakasakay sa kanyang sasakyan.

Tahimik lamang kami buong byahe hanggang sa nakabalik na kami sa apartment ko.

Pagka bukas palang nang pinto at pagkapasok namin sa loob ay bigla ko namang naramdaman ang kanyang mainit na pagyakap sa akin mula sa likod.

"I don't know ..pero ramdam ko talaga na may nagawa akong hindi mo na gustohan.. . . Please baby... tell me if your upset on something.. i don't  like it when your mad at me"

Dahil siguro sa sobrang pag kimkim ko kanina nang nararamdaman ko ay hindi ko napigilang kalasin ang yakap nya at harapin ito.

"Hindi ako galit.. . . . Ewan ko.. . . Nakakainis lang kasi kaya ko namang magbayad pero binayaran mo pa talaga tapos may pa ngiti-ngiti kapang nalalaman.. . .don sa kahera..! Ah basta! Ewan ko sayo.. . . Ang landi mo pala.. . ."

Nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Thunder at ramdam na ramdam ko rin ang pag alog nang balikat nito.

Grabe anong nakakatawa sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong nainis at gustong kumawala sa yakap nya pero mas lalo nya lang hinigpitan ang yakap sa akin. Naramdaman ko naman ang kanyang mga labi sa may bandang ibaba nang tenga ko na pa simple pang humahalik habang natatawa parin.

"I'm sorry baby.. . . Please don't be jelous"

Bigla naman akong napasinghap sa sinabi nya.

"Hindi.. . . . .  Hindi ako nagseselos noh!"

Hindi na ito sumagot at nanatili nalang na naka yakap sa akin. Ramdam ko parin ang mga ngisi nito at maliit na tawa na alam kung pinipigilan nya pero natatawa parin. Feeling ko ay pulang-pula na ako ngayun dahil sa sinabi nito pero hinayaan ko nalamang manatili ang yakap nito para hindi nya makita ang mukha ko.

Maya-maya ay bigla itong nag angat nang tingin sa akin.
Titig na titig ang mga mata nito sa aking mga mata. Hindi ko naman maiwasan ang pag akyat nang init sa aking mukha. Pero ang sunod namang sinabi nito ang nakapagdala nang init sa aking puso.

"Ikaw lang Rose...  . . Tandaan mo yan"




❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Hello to my beloved readers. After 1234567890000years nakapag update din. Naging busy lang talaga si Author ✌ daming tragedy din nangyari sa buhay ko 😅

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon