CHAPTER 12

476 16 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nang sinagot ko si sir .. . . Naging ok naman ang tatlong araw na lumipas. Sa ngayun heto ako at naglilinis sa sala. Sa araw na ito ay maaga itong umalis dahil sa isang meeting bago pa ito umalis ay pinagbawalan nya pa akong mag linis baka raw mapagod ako. Nakakatawang isipin pero kahit nobyo ko na sya ay may tungkulin parin ako bilang room attendant at isa pa hindi naman ako sinuswelduhan para tumunganga lang kahit ang totoo ay wala masyadong nililinis dito.

Pag sapit nang alas singko ay naisipan ko na umuwi nalang marahil ay matatagalan pa ito.

Saktong pagka tapat ko sa elevator ay siya namang pag tunog nito senyales na may bababa sa palapag na ito. Napakunot nuo ako sa pag iisip kung sino ito pero agad din namang napawi ang pagtataka nang makita na si Ms. Mia ito.

Agad lumiwanag ang mukha nito nang makita ako.

"Rose! Buti naabutan kita!" Saad nito at bigla nalang akong hinila papasok sa elevator.

"Halika! Samahan mo muna ako!" Malaking ngisi na sabi nito sa akin.

May pagtataka man pero Sa huli ay tumango na lamang ako at sinuklian ang mga ngiti nito. Pansin ko na sobrang saya nya ngayun.

Pagkababa namin ay agad nya akong hinila papuntang cafe at tulad nang dati ay ganun parin ang inorder nya para sa akin na hindi ko matanggihan na.

Pagkatapos makuha ang order namin ay agad namang umalis ang waiter.

Pero laking gulat ko dahil sa biglang pagharap ni Ms. Mia sa akin... kasabay ang isang tanong.

"Totoo ba? Kayo na?" Kumikislap ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

Isang ngiti ang aking ibinigay sa kanya bago sumagot.

"Oo"

Alam ko kung anong ibig nyang sabihin kaya walang pa ligoy-ligoy ko itong sinagot.

Tulala itong nakatingin sa akin nakabukas nang kunti ang bibig nito ... halatang hindi makapaniwala.

"Alam kung maari itong maka apekto sa trabaho ko at alam ko rin na hindi tama yung ganito. Kaya matatanggap ko po kung ano man ang iyong magiging desesyon Ms. Mia" magalang ko na pagkakasabi rito. Iniisip ko na baka isa rin ito sa mga rason kaya nya ako tinanong tungkol sa amin ni sir thunder. Hindi narin ako mag tataka kung paano nya nalaman pa.

Parang bumalik ito sa huwisyo at bigla nalang lumipat sa tabi ko para yakapin ako.

"Baliw ka ba? Sa lahat nang babaeng nagka gusto sa kapatid ko ikaw lang yung gustong-gusto ko para sa kanya.. . . Unang kita ko palang sayo.. . . . Magaan na kaagad yung loob ko.. . . At isa pa! Wala akong paki kung Housekeeper ka dito.. . . .kung totoosin eh mas mabuti pa nga yun ... . . Diba?" Nakakalokong ngiti nito sa akin pagkatapos nitong humiwalay nang yakap sa akin.

Napangiti nalang din ako. Nakakahawa ang mga ngiti nito.. . . Naaalala ko sa kanya ang nag-iisa kung kaibigan sa amin.. . .

"Ms. Mia.. . . . . Maraming salamat.. . ."

"Naku! Wala ka namang dapat ipagpasalamat! Isa pa gusto talaga kitang maging kaibigan. Kasi nakikita ko sa iyong mga mata na wala kang ibang intensyon di tulad nang iba dyan.. . .  Malakas sumipsip."

Bumalik naman kaagad ito sa kanyang pwesto pagkarating nang inorder namin.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala na kayo na agad.. . . Akalain mo? Mabilis pala yung kapatid ko.. akala ko talaga bakla yun eh!" Tumatawa nitong saad kaya natawa narin ako. Pansin ko lang yun rin ang sinabi ng ama ni sir thunder.. . . Ibig sabihin wala pa itong nagiging nobya kung ganun.. . . .

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon