"Your undeniably beautiful just like your name.. . . Rose."
Those words keep on running into my mind.
Halos hindi ako maka tulog kakaisip sa sinabi nya.
Dalawang oras lang yata ang tulog ko. Sanay naman akong sinasabihan ng maganda ng mga magulang at nag-iisang kaibigan ko pero yung ibang tao yung magsabi.. . . At si sir Thunder pa... parang may kakaiba kasi.. . .nakakapanindig balahibo.
Naisipan kung bumangon nalang at mag handa ng makakain.
Papunta na ako ng kusina ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Unregister ang number pero sinagot ko parin sa isipang tungkol ito sa trabaho. Baka sakaling sa Ms. Mia.
"Hello.. ?"
"Goodmorning.. . . Rose?"
Boses palang alam ko na kung sino ito.
"A-ahm yes sir thunder si Rose po ito ..g-goodmorning din po" medyo kinakabahan ko pang sagot dahil nakakagulat na biglang syang tumawag saakin.
"Hmmm.. . Can you come right now?"
Sabi nito na parang bagong gising.
"Ahm.. y-yes sir.. .teka lang po... . "
Medyo natataranta kung sagot.
"Nag breakfasta ka na ba?"
Bigla nitong tanong na ikinatigil ko.
"Wala pa po sir.. mag.."
"Good!! Just come here right away join me for breakfast"
Agad nitong putol sa sasabihin ko sana.. . Hindi ko alam kung anung sasabihin ko kaya tumango nalang ako pero sa huli na realize kung hindi nya nga pala ako nakikita.
"Yes s-sir"
"Ok.. see you.."
Nakapatay na ang linya pero hanggang ngayun nakadikit parin yung cellphone sa tenga ko.
Makalipas ng ilang sigundo dali-dali agad akong tumakbo sa cr para maligo pati yung cellphone nadala ko pa tuloy sa cr.
__________________________________________________________
Kukunin ko na sana yung tuwalya para ipangtapis nang biglang mag ring na naman yung cellphone ko na nasa gilid ng lababo dito sa cr.
Dali-dali kung pinunasan yung kamay ko nang tuwalya bago pulutin yung cellphone para sagotin yung tawag.
"H-hello..?"
"Are you on your way rose? I forgot the coffee
.. . Can you .."
Medyo hindi ko marinig yung boses ni sir dahil hindi ko pa nasasarado yung gripo kaya sinarado ko muna. Narinig nya siguro kaya bigla ulit itong nag tanong.
"What is that? Where are you anyway?"
medyo nag dalawang isip pa ako kung aamin ba ako or hindi... . . . Sa huli sinabi ko nalang yung totoo.
"Na-nasa c.r. pa po sir.. katatapos ko pa lang pong maligo.. . .ahm.. ahmm.. ano nga po ulit yung sinabi nyo kanina?"
"Damn!... . . Its ok!... . . Dumiretcho ka nalang dito."
Bigla nya nalang pinatay yung tawag. Nagalit ko yata.? Naku!! Yan kasi ang bagal-bagal kung gumalaw.
Dali-dali akong nag bihis at umalis para makasakay ng jeep papuntang TZ HOTEL. Makalipas ng ilang minuto nakarating kaagad ako. Sumakay agad ako ng elevator papuntang top floor. pagkarating ko sa taas nag type nalang agad ako ng code para makapasok.
Pagkabukas ko nang pinto ay wala akong nabungaran sa sala kaya dumeretcho na lamang ako sa kusina baka sakaling may ipapaluto si sir kaya pinapunta nya ako dito.
Pero laking gulat ko nang makita ang mga pagkain sa lamesa.. . . . . Fried rice, egg, bacon, hotdogs.. . At dalawang baso ng freshmilk. Pero ang mas nakakagulat ay yung makita si sir thunder na nag lalagay nang mga plato at kutsara sa lamesa.
"Ahmm.. naku sir.. ako na po dyan.."
Mukhang ngayun lang ako nito napansin dahil nakaawang ang labi nitong napalingon sa akin na parang nagulat na narito na ako.
Pero nakabawi agad ito at biglang ngumiti.
"Its fine.. i'm already done anyway."
Natulala ako sa kanyang mukha. Simpling ngiti lang yun pero ramdam ko na yung mga paru-parung nagwawala sa tiyan ko.
"Ehem.."
Napabalik ako sa ulirat ng tumikhim ito... . . Gumapang agad ang init sa aking pisngi.. . . Diyos ko! Natulala ako sa harap nya.. nakakahiya. 😰😲
"Lets eat" nakangiti nitong sabi.
Siguro ay gutom lang itong nararamdaman ko ngayun.
Agad naman kong tumango at umupo para saluhan siyang kumain.
_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_
Johan's note: Yung totoo?! Ginugutom kalang ba talaga rose? 😆😅
BINABASA MO ANG
Rose Thorns (Thunder Zamora)
RandomRated SPG Contains mature content please be reminded! _*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_ A story about how gorgeous ROSE MENDEZ meet a man named THUNDER ZAMORA. A very intimidating man. Known to be everyone's n...
