"Mag iingat ka doon sis ha?" ~ naluluhang saad ni ella.
Narito kami ngayun sa bus terminal kasama sina mama, papa at ella.. hinahatid nila ako sa bus papuntang manila. Kita ko sa mga mukha nila ang labis na lungkot.. sa mga mata nila ay may namumuo nang mga luha..
"Hayys! Anu ba yan hindi pa nga ako umaalis. Umiiyak na kayo! Mahihirapan ako nyan!" ~naluluha nadin ako habang kausap sila.
"Mamimiss ka namin anak... . "~ biglang yakap ni mama sa akin pagkatapos ay pati si ella ay yumakap na rin.. si papa naman ay nakatayong nakamasid lamang sa amin habang pinapahid ang mga luha nito sa kanyang mata.
"Ano ba yan ma! Haha.. para namang mawawala ako.." ~pilit kung ngiti para naman hindi na sila masyadong malungkot.
"Wag kayong mag alala.. tatawag ako palagi.. at mag-iingat din ako palagi... kayo din dito ha? Mag iingat din kayo palagi" ~pinaka titigan ko si mama at papa.. pagkatapos ay tumango sila. Binaling ko naman sa aking matalik na kaibigan ang aking atensyon.
"Ella... . . .sis.. . . Mag-iingat ka rin ha? Tsaka paki bantayan narin itong sila mama at papa.. . . Tatawag ako sayo palage.. . . Sis.. . . Mamimiss ko kayo.. . . 😢"~ niyakap ko ito sa huling pagkakataon bago ako sumakay sa bus.
Nang makahanap ako ng mauupuan malapit sa bintana ay hinanap kaagad sila ng aking mga mata.. . . Nang makita sila ay kumaway kaagad ako para mag paalam.
Nang umusad ang bus ay.. . Sumandal ako sa aking inuupuan..
Hingang malalim at pikit mata akong nanalangin.
"Sana ay maging maayos ang lahat.. . . "
*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
"Kompleto na yan.. ito ang sala.. tapos doon ang kusina.. tapos may isang kwarto at isang c.r... merong pintuan sa may kusina papuntang likod.. doon maari kang maglaba at mag-sampay... . . ."
~isa isang detalyi ng aking landlady tungkol sa apartment na aking matutuluyan..Nilibot ko ang aking tingin.. kung tutuosin ay malaki na ito para sa akin dahil ako lang naman mag-isa..
Tumango-tango nalang ako sa aking landlady at nag downpayment. Maya-maya pa ay ako nalang mag isa ang naiwan.. inayos ko na lamang ang aking mga gamit sa aking magiging kwarto.
Pagka bukas ko sa pinto ng kwarto ay may isang gawa sa kahoy na kama.. maliit lamang ito sapat na sa iisang tao.. sa gilid ay may isang maliit na lamesa at upoan at sa tabi nito ay isang simpling aparador.. ..nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko.. nilagay ko sa aparador ang mga damit ko pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto para pumuntang c.r. para rin mailagay ang aking mga kagamitan pangligo.
Madali lamang akong natapos dahil wala naman akong masyadong dalang gamit. Sinapinan ko lang ng banig ang aking higaan.. at naglagay ng isang maliit na unan.. sanay naman na ako sa matigas na higaan tulad ng sa amin.. kaya ok na ito.
Naisipan kung maligo muna... kaya kumuha ako ng simpling t.shirt at short pati na mga panloob.. . Pagkatapos kong maligo ayy.. . .naupo ako sa kahoy na upoan dito sa sala.. hawak-hawak ko ang isang dyaryo kung saan may mga listahan ng mga nag-ha-hiring na mga trabaho.
Isang buwan lang ang kailangan ko para makapag hanap ng trabaho dahil yun lang ang kaya ng budget ko ngayun.. . . Kapag hindi ako natanggap sa loob ng isang buwan marahil ay uuwi ako sa amin ng walang maiibibigay sa pamilya.. .
"Haayyyss... kailangan kung magsikap.. . .hindi pweding umuwi ako ng walang magandang balita man lang.. sayang din ang ipon nila mama at papa" ~pagkausap ko sa sarili ko.
Pagkatapos ko mag lista ay nagbihis kaagad ako ng presentabling damit... isa-isa kung sinubukan mag submit ng bio-data kada establishimento sa listahan ko.. . .

BINABASA MO ANG
Rose Thorns (Thunder Zamora)
AcakRated SPG Contains mature content please be reminded! _*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_ A story about how gorgeous ROSE MENDEZ meet a man named THUNDER ZAMORA. A very intimidating man. Known to be everyone's n...