CHAPTER 8

565 16 2
                                    

Hi to all my beloved readers 😇 boring po ba yung story ko? Please tell me whats on your mind. Para ma motivate ako ..na araw-araw na mag update. Kahit isang comment lang para kahit papaano may reason ako na ipag-patuloy ang storyang ito.

____________》》》》》》》》》》》》》____________

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Bakit nya naman ako gustong maging kasintahan.. isang hamak na housekeeper lang naman ako.

"Sir.... . . . . Ahmm.. baka ho nabibigla lang kayo? Tsaka.. wala naman hong meron sa akin na dahilan para maging kasintahan nyo... . . Ahmm.. ahmm.. kung halik lang naman ho ang dahilan ehh.. marami pa namang ibang babae na siguradong gusto po kayo.." mahinang pagkakasabi ko rito.

Alam ko namang naririnig nya ako dahil hanggang ngayun ay akap nya paring ako.

"Why rose? Don't  you like me? Kasi ako ... I really like you" bigla nitong kalas sa yakap para matitigan ako.

Medyo nagulat ako sa pag amin nya.. sadyang hindi kapani-paniwala.. dahil kung totoosin eh ilang araw palang kaming nagkakilala at isa pa magka-iba ang estado namin sa buhay.

Napa-iling-iling ako sa kanyang sinabi habang ito ay nanatili lamang na nakatitig sa akin. Dahil wala naman syang naging reaksyon sa pag-iling ko ay pinilit kung tanggalin ang kanyang kamay sa bewang ko para makatayo. Hinayaan naman nya ako.

Lumingon ako sa wall clock ng kusina ...malapit nang mag alas-dyes. Lumingon ulit ako sa kanya.

"Lumalalim na ang gabi sir.. kailangan nyo na pong umuwi.. . " magalang kung pagkakasabi dito.

Hindi sa pinapaalis ko na sya.. . . Pero gusto ko lang talagang mapag-isa muna. Isa pa lumalalim na talaga ang gabi baka mapanu pa sya sa daan.

Nanatili itong naka titig sa akin.. akala ko nga ay hindi na sya gagalaw. Pero maya-maya pa ay tumayo na ito at nag lakad papuntang pinto. Pero bago paman ito makalabas ay lumingun muna ito sa akin.

"Don't  worry.. .  I understand.. . . If it's  too fast .. then i'll court you....."

Pagkatapos nyang sabihin yun ay tuluyan na itong lumabas.

Maya-maya pa ay narinig ko nalang ang pag andar ng sasakyan nya papalayo.

Seryosos ba talaga sya? Talagang hindi kapani-paniwala ang lahat eh.. .

Bigla akong napahawak sa aking labi. Mahirap mang paniwalaan ang lahat ng nangyari kanina pero hanggang ngayun ramdam ko parin ang labi nya sa labi ko.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Sobrang bilis naman kasi ng mga pangyayari. Nakakahiya mang isipin  para sa isang tulad ko na nag tatrabaho lang sa kanilang hotel.. . . Pero siguro naman may karapatan rin ako na bigyan sya ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili.

Ayaw kong magpa dalus-dalos .. . .pero wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko din yung sarili ko na makaramdam ng may kahit isang lalake man lang na man ligaw sa akin.

Ang akin lang sana hindi ito maka apekto sa pag tatrabaho ko.. . .

Johan's note: short update muna 😁

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon