KATAHIMIKAN... yan ang bumabalot sa aming dalawa buong byahe. Hindi ko maiwasang tingnan siya habang nagmamaneho. Seryoso lamang itong nakatingin sa harap.... halatang galit parin ito.
Binalik ko na lamang sa harap ang aking tingin. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa guest kanina na natapunan nang sariling kape nito dahil sa akin. Hindi sana ito mangyayari lahat kung nag ingat lang talaga ako. Feeling ko ay nag bigay ako nang malaking kahihiyan sa hotel ni Thunder. Sa pagkakaalam ko ay mamahalin ang damit nang babae kaya siguro ganun nalang ang galit nya sa akin.
Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating kaagad kami sa apartment ko. Pagkahinto nang sasakyan ay walang sabi-sabing bumaba ito at umikot sa tapat ko para pagbuksan ako nang pinto. Tahimik lamang itong nagmamasid sa bawat galaw ko at ramdam ko parin ang konting iritasyon sa kanyang mukha mula sa nangyari kanina.
Nakababa na ako sa sasakyan pero nanatili parin akong nakatayo sa tapat niya.
"So... . . Sorry... . . " nakayuko kung saad rito. Mahina man ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya iyon.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi parin ito nagsasalita kaya naisipan kong mag angat nang tingin rito.
Mataman itong nakatitig sa akin na para bang binabasa nito lahat nang nasa isip ko. Mula sa aking mga mata ay dumapo ang tingin nito sa braso ko. Dahilan nang pag baling ko rin nang tingin sa aking braso.
Sa tulong nang ilaw mula sa poste ay makikita mo kaagad ang namumulang gas-gas sa aking braso malapit sa aking siko.
Napakislot ako nang maramdaman ang mababaw na pag dampi nang kanyang mainit na kamay malapit sa namumulang parte nang aking braso.
Agad naman siyang napatitig sa akin nang may halong pag-aalala.
"Does it hurt?"
Iniling ko ang aking ulo. Medyo nagulat lang naman ako sa bigla nyang pag hawak.
"Hindi naman masakit. Maliit na gas-gas lang naman ito marahil mataas ang kuko ng babae kanina kaya di sinasadyang ma gas-gasan nya ako... pero mawawala din naman ito kaagad." Paliwanag ko dito. Na kung totoosin ay mas malaki pa ang pagkakamali ko kanina kaysa sa gas-gas na nagawa ng babae sa akin.
Umiling rin ito na parang hindi nagustohan ang sinabi ko.
Naramdaman ko nalang ang kanyang kamay mula sa aking braso na gumapang paakyat sa aking mukha. Naramdaman ko ang bahagya nyang pag ayos ng mga mumunting buhok na nahuhulog mula sa pagkaka bun nang buhok ko na tumatabing sa aking mukha. Maayos nya itong pwenesto sa likod nang aking tenga.
"Di nya man sinasadya katulad parin yun nang di mu sinasadyang matabig sya... . . . Ang pagkakaiba lang ... . . Mas mahalaga ka kesa sa damit nya."
Napatango nalang ako. Ayaw nang pahabain pa ang usapan.
Inaya ko itong pumasok muna para mag kape na agad namang ikinapula nang pisngi ko kaya agad kong iniwas ang mukha sa kanya.
Agad naman kumunot ang noo nito sa agad na pag iwas ko nang tingin. Pero sa huli ay tumango na lamang ito at sumunod sa akin pag bukas ko nang pinto.
Kahit siguro ilang araw na ang lumipas ay mananatili nang iba ang paningin ko sa kape... . . Mananatili na ang malisya roon.
"Maupo ka muna ipagtitimpla muna kita nang kape.. . . " sabi ko rito pero napansin ko agad ang hakbang nito na parang papunta rin sa kusina "..ahmmm dyan kalang muna sa sala maupo.. . . Saglit lang naman akong mag titimpla nang kape..." dugtong ko kaagad bago paman ito maka sunod sa kusina.
BINABASA MO ANG
Rose Thorns (Thunder Zamora)
AcakRated SPG Contains mature content please be reminded! _*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_ A story about how gorgeous ROSE MENDEZ meet a man named THUNDER ZAMORA. A very intimidating man. Known to be everyone's n...