CHAPTER 6

613 16 0
                                    

Tahimik lang ako habang kumakain. Ramdam kung naka tingin sya sa akin pero nanatili lamang ang aking paningin sa pag-kain.

Bigla itong tumikhim.
"Ahmm.. i hope you like fresh milk.. nakalimutan ko kasing omorder kaya yung gatas nalang sa ref. Yung ginamit ko."

Tumango lamang ako at pasimpling tumingin rito. Kung totoosin mas gusto ko ang freshmilk kasi hindi masyadong matamis. Tsaka mag rereklamo pa ba ako? Siguradong kahit itong simpling gatas ay mamahalin na.

Pagkatapos kumain ay nagsimula na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.

Pagkatapos kung mag hugas ay tulad ng dati nag simula ulit akong mag linis.

Pumasok lamang si sir sa kanyang kwarto at maya-maya pa ay bumukas ulit ang pinto ng kanyang kwarto kaya napalingon ako roon .. lumabas ito na bagong ligo.. simpling white v-neck shirt at black pants lamang ang suot nito. Pero bagay na bagay na ito sa kanya mas lalo lamang syang gumwapo parisan mo pa ng buhok nyang medyo magulo at basa pa.

Napaiwas agad ako ng tingin ng biglang itong lumingon sa akin.. . .

"I'll go ahead rose... may pupuntahan muna ako.. take care ok?" Bigla nitong sabi na ikina gulat ko.

Bakit kailangan nya pang magpaalam saakin? Para namang asawa nya ako sa inaakto nya.. .

Tumango na lamang ako. Kaya nagsimula na itong lumakad. Sinundan ko ito ng tingin habang papalabas na ito sa pintuan. Pero bago pa sumarado ng tuloyan ang pinto ay nag angat ito ng tingin sa akin na may kasamang maliit na ngiti sa labi. Bago paman ako maka react ay nasarado na nang tuloyan ang pinto.

Ok...? What was that? Medyo naguguluhan ako sa mga inaakto ni sir pero.. . . Pipiliin ko nalang na isawalang bahala ang lahat..

Pinagpatuloy ko nalang ang pag lilinis nang sa ganun ay matapos ako ng maaga.

............................................................................................................

Papalabas na ako ng hotel ng biglang may tumawag sa akin. Paglingun ko ay napansin kong si ms. Mia pala ito kaya dali-dali agad akong bumalik.

"Ano po yun Ms. Mia? May problema po ba?" Medyo hinihingal kung sabi dahil halos lakad takbo ang ginawa ko kanina papunta sa kanya.

"Actualy no! Wala namang problema.. . Gusto lang kitang kamustahin sa trabaho mo.. . Lika sa coffee shop .. usap muna tayo.. ok lang ba sayo?"

"Naku .. ok lang po Ms. Mia wala pa naman akung planong gawin ngayun." Sagot ko rito.

"Ok thats good!... tara.?" Masayang sabi nito sa akin sabay hila papuntang coffee shop na sakop lang din ng TZ HOTEL.

Nang makahanap ng mauupuan ay tumawag agad ng waiter si ms. Mia para umorder.

"Whats yours?" Tanong nito sa akin ng makalapit ang waiter..

Napansin kung medyo mahal ang mga drinks nila dito.. pati yung simpling kape sa menu list nila ay mahal na halos umabot ng 200 ang isang tasa. Naku ilang 3in1 na pwede kung mabili sa ganitong halaga.

"Ahmmm... ah..eh.. naku Ms. Mia.. kasi.. . Ano nalang yung" medyo alangan kung sabi at naghanap ng pinaka mas mura na abot sa budget kung 150 ngayun.

"Don't  worry its my treat! Anyway Lets try our new best seller nalang.. . . " napansin siguro nito ang pag aalangan ko.

Ilang sandali lang ay dumating agad ang  order namin na icy chocolate delight. Unang tingin ko palang dito halatang masarap nga.. at nang tikman ko ito.. . .hindi na nakapagtataka na ito ang kanilang best seller.

"So.? How does it taste?" Nakatitig na tanong ni ms. Mia saakin.

"Masarap" nakangiti kung sagot rito na sobrang ikinagalak naman ni ms. Mia.

I feel comfortable being with ms. Mia. Magaan sa pakiramdam ang mga ngiti nya.

"Good to know na nagustohan mo.. . . Anyway.. .  May napapansin ka bang kakaiba sa brother ko?" Bigla nitong tanong na ikinatigil ko.

Nag angat ako ng tingin rito bago sumagot.
"Wala naman po.. . .minsan ko lang naman po nakakausap si sir"

"Really?? Kinakausap ka nya?" Halatang gulat na tanung nito.

"Ahh ou.. may isang beses pa nga na nagpaluto sya sakin ng carbonara.. . . Tapos.. . . Ah eh.. " medyo alanganin ako kung sasabihin ko ba sa kanya baka kasi mapagalitan pa ako at matanggal sa trabaho.

"Tapos ano? Rose?" Nakatitig nitong tanung sa akin. Kapansin-pansin ang pagkakapareha ng kanilang mga mata ni sir thunder. Feeling ko tuloy si sir thunder ang kaharap ko ngayun.

"Inaya nya po akong sumabay na kumain sa kanya.. . . Naku! Ms. Mia wag po sana kayong magalit sa akin.. . . Sumusunod lang po talaga ako sa sinasabi ni sir.. . . Tsaka nahihiya rin po akung tumanggi sa kanya.. . . " pagmamakaawa ko rito.

Medyo natulala ito saglit bago bumaling sa akin at ngumiti. Weird mang isipin pero gumanti na lamang ako ng ngiti.

"Hmm.. . . I smell something sweet.." natatawa nitong sabi.

Medyo naguguluhan ako sa biglang nitong sinabi.

"Don't  mind me masaya lang ako" bigla nitong sabi marahil ay napansin nya ang pagtataka sa mukha ko.

Isinawalang bahala ko nalang .. mas mabuti nga na good mood si ms. Mia at wala lang sa kanya ang pagsabay ko nang pagkain sa brother nya.

Natapos ang pag-uusap namin ni ms. Mia. Inabot kami ng gabi. Siguro dahil napasarap ang aming pag uusap. Magaan ang loob ko kay ms. Mia masarap siyang kausap.  Hindi sya nauubusan ng kwentong puros nakakatawa.

"Salamat po talaga ms. Mia.. . Naku babayaran ko po talaga yung nagastos nyo sakin kanina."

"Anu ka ba! Libre yun! Minsan lang ako manlibre kaya wag mo nang bayaran" nakangiti nitong sabi sakin. Sabay beso sa magkabilang pisngi ko at nag paalam na.

"Bye rose... . . See you.." paalam nito.

"Bye din po.. ingat.." sabi ko rito habang papalayo na ito.

"Quit the 'PO' rose" habol nitong sabi bago sya nawala sa paningin ko.

Napangiti na lamang ako. Napag desisyonan kung mag simula ng mag lakad papuntang sakayan ng jeep.

Pero nagulat nalang ako ng may humintong napakagandang itim na kotse sa harap ko. Biglang bumukas ang bintana nito sa may bandang shot.gun seat kaya nakita ko ang driver nito.

"S-sir.. thunder?"

"Hop in rose.. ihahatid na kita."

__________________________________________________________

Johan's note: follow me mga beloved readers 😘😘

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon