CHAPTER 10

526 16 1
                                    

Maaga palang ay naririto na ako sa may salas ni sir para mag ligpit nang mumunting kalat. Habang nagliligpit ay dumako ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ni sir. Naka lock ito marahil ay nasa loob pa ito at natutulog pa.

Nang matapos ako sa paglilinis ay napag pasyahan ko na magluto na lamang ng agahan nang sa ganun ay hindi na nya kailangan pang tumawag pa sa resto nila.

》》》

Saktong pagkalapag ko ng mga nalutong ulam sa lamesa ay syang pag tunog nang doorbell ni sir. Tumingin muna ako sa pintuan ng kwarto ni sir baka sakaling nagising ito at may inaasahang bisita. Pero hindi naman nag bukas ang pintuan nito sa kwarto kaya sa pangalawang pag doorbell ay ako na ang nagkusang nag bukas.

"Uhmm.. Hi!" Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Elda na may dala-dalang linens. Ngayun ko lang naalala na may dadaanan pala sana akong mga linens ang kaso ay hindi ko naman sya nakita kaya't isinawalang bahala ko nalamang ...nasanay rin naman kasi akong tuwing hapon ay ako na mismo ang dumadaan sa linen section dahil automatic nang nakabukod ang para kay sir na mga linens roon.

"Elda.. . . ! Naku nakakahiya naman sayo ok lang naman sana na ako nalang ang nagdala nito nakasanayan ko na rin naman na tuwing hapon ako kumukuha ng mga linens sa baba.. . . " nanatili itong nakangiti sa akin at imbis na ibigay sa akin ang mga linens ay nagkusa itong pumasok sa loob at doon siya na mismo ang nag patong nito sa lamesita ni sir.

"Ok lang.. . . " sagot nito at namamangha ang mga matang nilibot ang tingin sa paligid " Wow! Imagine ikaw naglilinis sa ganito kaganda at kalaking room ni sir.. . . Ang swerte mo naman.. . . " tumigil ang tingin nito sa akin.

"Naku hindi naman.. (alanganing ngiti ko rito). . . Ano kasi.. . . Kailangan mo na ring lumabas Elda kasi nasa loob lang ng kwarto si sir... . Ang bilin kasi ay bawal ang basta2x magpapasok dito.. . . " medyo nahihiya ko pang saad rito baka kasi ay sumama ang loob nito.

"Talaga! Nandito pa si sir! Kung siniswerte nga naman ako.. . .. hihihi.. . . Pwede ko bang masilip rose? Gusto ko lang makita kung anong hitsura at posisyon ni sir kapag tulog!" Bulalas nito na halatang hindi talaga sya papipigil.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na 'hindi pwede' nang hindi sasama ang loob nya. Masyadong mali ang gagawin nya. Nag-iisip palang sana ako nang paraan para pigilan sya nang biglang may nagsalita sa likod namin mula sa pinto nang kwarto ni sir.

"Who's that Rose?"
Si sir Thunder nakatayo sa may pintuan nang kanyang kwarto suot ang isang puting v-neck shirt at pajama. Halatang bagong gising palang ito. Base narin sa hitsura nito. Tulala kaming dalawa na napa titig rito.

"S-sir... . . " nahihirapan kung saad. "Nag.. . . Nag hatid lang po sya nang linens".

Biglang sumeryoso ang hitsura nito at bumaling kay Elda.
"Who told you to get in?" Mababa ngunit seryosong tanung ni sir kay Elda. Mukha namang hindi ito mapakali.

"Si.. . . . Si ano ho.. si Rose!" Bigla nalamang nitong sagot na ikinagulat ko.. . . Nanlalaki ang matang napalingun ako rito. Nagsusumamo itong tumitig sa aking kaya't sa huli ay hindi nalamang ako sumagot pa at hinayaan nalang ang kanyang sinabi.

Nalipat ang tingin ko kay sir at ganun na lamang ang bilis nang pagkaka pintig nang puso ko nang mag tagpo ang seryoso nitong titig sa akin. Naisipan ko na lamang na lumihis nang tingin at yumuko.

"What are you standing there? Leave!!" Medyo nagulat pa ako sa sinabing yun ni sir. Nung una akala ko ako yung sinabihan nya..pero dahil sa pagkakataranta at dali-daling pag alis ni Elda dun ko nalang nalaman na sya ang pianapaalis nito.

Narinig ko ang pagkakasarado nang pintuan senyales na naka alis na si Elda. Ako naman ay nanatiling nakayuko.

Naririnig ko ang unti-unting pagbaba ni sir sa hagdanan... Maya-maya pa ay ramdam ko na agad ang presensya nya sa harapan ko.

Marahil ay pagagalitan ako ni sir dahil sa kapabayaan ko at nakahanda na ako sa kung anu man ang sasabihin nito.

"Look at me Rose" natatakot man ay sinunud ko na lamang ang utos nito. Napatingala akong napatingin rito dahil na rin sa katangkaran nito.

"Good!" Nakangiti itong naka titig sa akin na para bang may kung anu sa mukha ko.

"Sir.. . . . Pasensya na ho sa nangyari kanina.. . . Kasi.. kasi ho .. hindi ko talaga inaasahan na..." hindi mapakaling sabi ko na sya ring pinutol nya agad.

"Shhhhhh..  (putiing his index finger on my lips).. . .its ok my Rose.. you dont have to explain.. . . . I know everything baby.. . .. its ok" parang nang hihipnotismong sabi nito.

Nakatitig lamang ako sa mga mata nito Maya-maya pay naramdaman ko nalamang ang mga daliri nito mula sa aking labi na naglakbay sa aking pisngi. Napapikit na lamang ako dahil sa magaan nitong haplos.

"I don't think i can make it slow Rose.. . . I can't wait to make you mine." Marahan at malalim na pagkakasabi nito sa akin. Ramdam ko ang bawat pag hinga nya sa aking pisngi kaya't napamulat ako at doon ko lamang natanto kung gaano kami kalapit sa isat-isa.

"Sir... . . Thunder.. . . " nakatitig kung sabi rito. Marami akong gustong sabihin pero para bang lahat nang iyon ay nawala nalang bigla sa isip ko.

"Yes Rose.. . .. tell me what's on your mind?" Nanatili lamang itong naka titig sa akin habang unti-unting nag lalakbay ang kanyang isang kamay patungo sa aking leeg.

Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil hindi ko na alam kung anu nga ba ang nasa isip ko na dapat kung sabihin.

Napansin ko ang pag lipat nang tingin nito sa aking labi at pabalik sa aking mga mata.

"Sir.. . . " hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil bigla ko nalamang naramdaman ang kamay nito sa likod ng aking leeg dahilan para mahila ako nito at maglapat ang aming mga labi.

Hindi paman lumalalim ay ramdam kung lunod na ako.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Johan's note:  hi mga bebe. Sensya ngayun lang naka update. Hope you like it 😁 Enjoy! 😘


Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon