CHAPTER 9

524 17 4
                                    

This chapter is dedicated to ching5577. Thank you for being first to comment 😁

Maaga palang gising na ako. Pero heto at nakahiga parin ako sa kama. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko ngayun.

Buong gabi ko ata pinag-isipan lahat nang sinabi ni sir sa akin.

Huminga ako ng malalim at napag isipan na bumangon na. Alas 8 nang umaga na... at hindi pa ako nakakapag almusal kaya naisipan ko na mag init muna nang tubig para makapag timpla nang kape. pagkatapos kung malagyan nang mainit na tubig ang tasang may kape ay nag saing narin ako.

Pagkatapos kung maisalang ang sinaing ay naupo muna ako dala ang kapeng tinimpla.

Tulala akong nakatitig sa kape na ngayun ay hawak-hawak ko.. . . Maya-maya pay biglang nagbalik lahat nang nangyari kagabi. Di paman ako nakakainom pero ramdam ko na yung init na gumapang sa buong mukha ko. Parang ngayun ko lang naisip kung gaano talaga nakakahiya yung nangyari kagabi.. . . . Nag dadalawang isip tuloy akong uminom ulit ng kape.

Maya-maya pay biglang nag ring ang cellphone ko.

Sir Thunder Calling.. . . .

Nag dadalawang isip tuloy ako kung dapat ko bang sagutin.. . . Pero sa huli ay sinagot ko parin sa kadahilanan na amo ko parin sya.

"Hello.. . . . . ?"

"Goodmorning rose" medyo husky nitong pagkasabi halatang bagong gising palang.

"Goodmorning din po sir.. . . " medyo nahihiya ko pang sagot dahil hindi ko alam kung ano pang dapat e dugtong.. . .

"Hmmm.. what are you doing?"

Natigilan tuloy ako at napa titig bigla sa kapeng nasa harap ko ngayun.

"Rose.. . . " malumanay nitong pagkakasabi waring  naghihintay sa isasagot ko.

"Ano ..ahmm nagkakape.. . ." May pag aalinlangan ko pang sabi.

Narining ko mula sa kabilang linya ang mumunti nyang tawa. Dahilan kung bakit bigla akong nahiya.

"Damn .. . . I think i need to buy lots of coffee and bring it there.. . . " may bahid nang tawa at pang aasar sa kanyang boses.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman pero inaamin ko masarap pakinggan ang mga tawa ni sir napaka gaan sa damdamin.

"Hindi na kailangan sir may stock pa naman ako ng kape dito." Sagot ko na lamang para narin pagtakpan ang kahihiyan.

"Hmmm.. . . . Ok babe.. . . "

Medyo natigilan ako sa pag tawag nya sa akin pero di ko nalang pinahalata pa.

"Ok rin po sir.. . . ."

"Ok i'll hang this up.. . .gonna prepare for today's meeting.. don't skip your breakfast ok? Bye babe."

"Ok... . . . " hindi ko alam kung narinig pa ba iyon ni sir.

----------------------------------------------------------------------------------

Saktong alas 4 nang hapon ay nasa TZ Hotel na ako para maglinis nang kwarto ni sir.

Kasalukuyan akong nasa pintuan nang kwarto ni sir at nag tatype nang code para makapasok. Pagka bukas ko palang ng pinto ay Kapansin-pansin agad na walang ka kalat-kalat ang paligid. Kung dati na itong malinis mas lalo pa itong luminis anu na lamang ang lilinisin ko nito?

"Any problem?"
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

Agad naman akong humarap rito na mas lalong ikinagulat ko dahil isang kumpol nang rosas ang bumulaga sa akin.

"For you.. . ." Malumanay nitong sabi.

Tinanggap konaman ito habang naka tulala paring naka titig sa mga bulaklak.

"For me.. .. " bigla kong nasabi at napabaling nang tingin sa kanya.

"Yes only for you.. . . .i hope you like it... . ." Nakatitig nitong sabi sa akin.

"Pero bakit mu naman ako bibigyan nang bulaklak sir.?" Medyo naiilang ko pang tanung.

"I told you .. ..  i'm gonna court you ....."

Naramdaman ko agad ang pag gapang nang init sa aking pisngi.

Maya-maya pay naramdaman kung hinawakan ni sir ang aking kamay at malumany nya akong hinila papuntang kusina. Pagkarating sa kusinay pinaupo nya ako sa upoan roon.

"Would you like something to drink? Like juice or coffee?"

Hindi ko alam kung gaano na ako kapula ngayun nanatili na lamang akung nakayuko habang nakatingin sa bulaklak na hawak.

"Hey.. . . Am i making you uncomfortable?" Medyo nag aalalang tanung nito.

Naku! Kung alam mo lang sir. Kanina pa ako hiyang-hiya dito. Kulang nalang lamunin ako nang lupa. Bakit ba kasi kailangan pang ipa alala lahat nang nangyari nung gabing yun.

"Ahmmm.. . . .wala na ho ba kayung ipapalinis sa akin sir? Kasi sa tingin ko malinis naman na lahat. Baka bukas nalang nang umaga ako bumalik dito para mag linis. Ahmm.. . Ano .. . . Ahmmm sige sir .. uuwi na ho ako..." sabay tayo para makaalis na.

"Wait... .rose.. . . " bigla akong nakaramdam nang kuryente nang hawakan nya ako sa siko para pigilan.

"I'm sorry.. . . Kung medyo mabilis ang lahat.. . . But believe me.. . . . I'm serious." Napatitig ako sa kanyang mga mata at ramdam kung seryoso nga talaga sya.

"Ok lang sir. Nabigla lang siguro ako. Kasi.. . . . Ngayun ko lang naranasan maligawan... . .  " natigilan ito sa sinabi ko .. .. pero kalaunan ay ngumiti rin.

"Sige po sir uwi na po ako." Hinayaan nya lang akong umalis at nanatiling nakatitig sa akin. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa masarado ko ang pinto. Ngayun lang ata ako nakahinga nang maluwag.

Nang nakababa na ako mula sa elevator ay dumeretcho na ako sa daan papuntang employee's exit. Habang nag lalakad ay may narinig akong tumatawag sa akin sa bandang laundry area malapit sa linen rooms kaya tumigil ako para makasigurong ako nga ang tinatawag.

"Hi!" Isang babae na sa tingin koy room attendant din dito. Nilapitan nya ako nang may ngiti sa mga labi kinakabahan man ay nginitian ko nalang rin ito pabalik.

"Hello.. . . . Ahmm bakit?"

"Ahmm ako nga pala si Elda room attendant din dito gusto lang sana kitang tanungin sa passcode nang room ni sir para madala ko ito sa kwarto nya" sabay pakita nang mga dala nyang linens.

Naalala ko tuloy yung mga bilin ni miss mia sa akin. Isa na doon ang mahigpit na ipinagbabawal na ipaalam kahit kaninu ang passcode ni sir.

"Naku mahigpit kasing ipanagbabawal yun. Kung gusto mo ako nalang maghahatid nito bukas nang umaga dadaanan ko nalang dyan." Lahad ko sa linen room

Kapansin-pansin sa kanyan mga mata ang pagka dismaya pero sa huli ay tumango nalang sya at ngumiti.

"Ganun ba? Sige nandito lang ako bukas nang umaga balikan mo nalang." Nakangiti nyang sabi sa akin.

"Sige.. . . Mauna na ako sayo" nakangiti ko ring sagot at nagsimula nang maglakad papuntang exit.

Kinakabahan man ay isinawalang bahala ko na lamang.

_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

Johan's note: Finally!  Naka graduate din sa wakas si author 😄😊 at dahil umabot ito nang 600+ na reads kahit ilang buwan akong nawala. Nag update talaga ako. Since naghihintay din ako nang kahit isang comment at yun nga may nag comment na. As a gift ito na yung update ko. 😘

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon