CHAPTER 3

712 15 3
                                    

LIMANG araw na ako rito sa TZ H and R.. so far ok naman ang trabaho ko, hindi naman masyadong mahirap.. hindi rin masyadong makalat yung kapatid ni Ms. Mia.

Mostly yung kwarto nya lang yung medyo makalat para bang sobrang busy nito at wala na syang time ayosin ang higaan nya.. well thats my job.. yun ang rason kung bakit may trabaho ako ngayun.

Tumingin ako sa orasan sa ding-ding.. nanlaki ang mata ko ng makitang 5:20pm na..

Sa limang araw ko rito ni minsan hindi kami nag pang.abot ng may-ari kaya dali-dali akong nag-tanggal ng apron at pinalitan ang unipormeng suot ko ..ng damit na suot ko papunta rito kanina.

Palabas na sana ako ng utility room ng biglang bumukas ang main door. Dahil sa kaba ko nanatili ako roon.. .

Sumilip ako at napansing dumeretcho ang mga yapak sa itaas. Kaya mabilis akong gumalaw para makalabas na. Tumingin muna ako kung may tao ba sa hagdanan.. nang mapansing wala ay pumunta na ako sa pintuan para maka labas.

Nang nasa elevator na ako.. nakahinga ako ng maluwag.. buti nalang hindi nya ako napansin.

Mas gusto ko kasi na manatiling ganito.. para hindi ko na kailangang makisama pa.. madali lang kasi akong panghinaan ng loob tuwing may mga tao akong nakakasalamuha.. lalo na at ito pa ang may ari ng Hotel na ito.

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil pinapatawag ako para mag linis.

Kakaunting kalat lang naman at hugasin ang nilinis ko sa kusina. Pagkatapos ay umuwi na ako..

Pagkarating ko sa apartment ay naisipan kung tumawag kina mama... . . Nakwento ko na rin naman sa kanila ang tungkol sa trabaho ko.. so far pinagpasalamat nila na maayos ang naging sitwasyon ko dito.

"Hello ma" ~napangiti kaagad ako pagkasagot agad nila sa tawag.

"Oh! Rose! May problema ba?" Nag aalalang tanung ni mama.

"Wala naman ma.. . . Namiss ko lang dyan.." ~naramdaman ko na may namumuong luha sa aking mata kaya napatingala ako para pigilan ito.

Sa ilang araw ko rito medyo hindi parin ako nasasanay.. may mga oras na naiiyak talaga ako dahil sa sobrang pangungulila sa amin.

Nahalata siguro ni mama ang kalungkotan sa boses ko "Rose anak.. kung gusto mo ay maaari ka namang umuwi dito.."

"Naku! Ayoko po masayang ang pinag iponan ninyo para makarating ako rito.. lalo na ang pag sisikap ninyo ni papa para makapag-tapos ako ng pag-aaral.. . . Wag kayung mag alala ma.. kakayanin ko to."

"Rose.. anak ... napaka buti mong bata ka.. ang gusto lang naman namin ay ang maging masaya ka. Kung anu sa tingin mo ang tama at tinitibok ng puso mo sundin mo.. . . Kung yan ang gusto mo ay wala kaming magagawa.. hindi naman kami humihingi ng kapalit.. . Ang amin lang ay ang mapabuti ka.." may pagmamahal na sabi ng aking ina.

Di ko namalayan na may luha ng dumaloy sa pisngi ko.. napangiti ako sa mga naririnig ko mula sa aking ina..

"Napaka swerte ko sa inyo ni papa ma.. . Kaya magsisikap ako para makabawi man lang sa inyo"

"Bastat mag iingat kalang palagi anak.. . . Mahalaga ka sa amin ng papa mo"

"Opo ma.. kayo rin.. mahalaga din po kayo sa akin"

Nag usap muna kami saglit ni mama bago natapos ang aming tawagan.

Pag sapit ng alas dos ay nag ayos na ako para sa aking trabaho.

Pagkarating ko sa TZ Hotel ay dumiretcho agad ako sa elevator para makapunta sa pinaka itaas na floor, pero bago pa sumara ang elevator ay may kamay na pumigil agad dito kaya bumukas ulit ito.

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon