Pagbitaw

27 0 0
                                    

Sa bawat araw na nagdaan
Masasakit na alaala muling nadadagdagan
Sa bawat litrato na aking nakikita
Ang iyong paglisan ang tanging naaalala

Nung huling araw na tayo ay nagkasama
Tayong dalawa ay masaya pa
Nakikita ko pa sa iyong mga mata
Ang kaligayahan na matagal mo ng tinatamasa

Anong nangyari sa ating dalawa?
Bakit nung ako'y nagising ikaw ay wala na
Lumubog lang ang araw sa ilalim ng karagatan
Gumising ako ng mag-isa at luhaan

Hindi ko alam ang iyong dahilan
Bakit ako ay bigla mong nilisan
Kasabay ng paglubog ng araw mula sa kalangitan
Ang pagbitaw mo sa samahan na aking iniingatan

Ano bang pagkakamali ko?
Ano bang pagkukulang ko?
Bakit tayo biglang nagka-ganito
Bakit bigla nalang naglaho lahat ng pinaghirapan ko

Tanging kamay mo lang ng gusto kong hawakan
Tanging mga luha mo lang ang gusto kong punasan
Tanging mga ngiti mo lang ang gusto kong masilayan
Masilayan hanggang sa dulo ng walang hanggan nating samahan

Ngunit alam ko na hindi na mangyayari yun
Dahil kasabay ng paglubog ng araw sa ilalim
Ay ang pagbitaw mo sa lahat ng pangakong kailanman ay hindi na mangyayari

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon