Aking Ginoo

136 13 1
                                    

Oh! Aking Ginoo
Tila ba'y napaka ganda ng gising ko
Sapagkat biglang pumasok sa isip ko
Na ikaw lamang ang ginoong iniirog ko

Ako ang magsisilbi mong binibini
Na magbibigay sa iyo ng matatamis na ngiti
Ngiting walang katapusan
Ngiting walang hanggan

Oh! Aking Ginoo
Sa tuwing ika'y nasisilayan ko
Tila ba humihinto ang ating mundo
At nabubuo mo ang araw ko

Oh! Aking Ginoo
Ikaw ang magsisilbing Juanito Alfonso
Sa buhay kong ito
Lalo na sa puso kong pinatibok mo ng todo

Ako'y mag iiwan ng isang pangako
Pangako na tutuparin ko
Na ikaw lamang ang ginoo
Na mamahalin ko hanggang dulo

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon