Sa ating madilim na mundo

28 3 0
                                    

Sa ating madilim na mundo
Hindi natin kilala kung sino ang totoo
Hindi natin alam kung sino ang ating kalaban
Dahil hindi parin tayo namumulat sa katotohanan

Ang hustisya ay hindi lang para sa isa
Ang hustisya ay para sa lahat
Para sa lahat ng may karapatan
At hindi lang para sa mga may kapangyarihan

Ang ating madilim na mundo
Til ba'y masyado ng magulo
Sobrang sakit sa puso
Na posibilidad na lahat tayo ay maglalaho

Lahat tayo ay may karapatan
Hindi lang para sa mayaman
Hindi lang para sa mahirap
Kundi para sa lahat ng karapat-dapat

Sa ating madilim na mundo
Kailangan natin ng pagbabago
Pagbabago na kailangan ng lahat
Pagbabago na hinahangad nating lahat

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon