Ako ay hindi pa handa
At kailanman ay hindi magiging handa
Ano na ang mangyayari?
Kung ikaw ay kailangan ng magpaalamAlam kong kailangan
Ngunit sa ngayon ay hindi pa handa
Walang kasiguraduhan na ika'y babalik pa
Pero ako ay aasa na tayo ay muli pang magkikitaNais ko sana..
Bago dumating ang araw ng iyong paglisan
Sana tayong dalawa ay pagtagpuin muna ng tadhana
Para masabi ko sa sarili kong ako'y handa naMasakit man isipin
Pero iyon ang iyong tungkulin
Hiling ko bago ka umalis
Mahagkan ka ng mahigpitHindi ko ata kakayanin
Na makita kang umalis
Paano na ako kung wala ka?
Paano na ako sasaya kung wala ka?Alam kong ito ay panandalian lamang
Ngunit sabi ng isip ko ay wag ng maghintay
Ngunit ang sigaw ng puso ko ay ikaw lang habang buhayMagkakalayo man tayo sa mahabang panahon
Ngunit ako ay mangangako sa'yo
Sa iyong paglisan ay magiging handa na ako
At pangakong ikaw pa rin hanggang sa iyong pagbabalikMaghihintay ako kahit gaano katagal
Magtitiis ako kahit na ako'y mahihirapan
Pero asahan mo...
Sa iyong pagbabalik, ngiti sa aking mga labi ang sasalubong sa iyong pagdating
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter