Sa aking panaginip
Ika'y laging nakikita
Sa aking isip
Tila ba ikaw ay hindi mawalaAko ay naguguluhan
Sa mga pangyayaring nasasaksihan
Sa mga pangyayaring hindi inaasahan
Na tila ba'y bago sa aking isipanHindi kita kilala
Hindi kita nakikita
Hindi mo rin ako kilala
At hindi mo rin ako nakikitaNgunit bakit ganito?
Bakit lagi kong nakikita ang imahe mo?
Bakit araw araw kang nasa isip ko?
Ano ba ang dulot mo sa buhay ko?Ako ay nagtataka
Kung bakit ka sa akin ay nagpapakita
Sino ka bang talaga?
Ako ba ay iyong kilala?Ngunit alam kong hindi ka totoo
Alam kong isa ka lamang imahinasyon
Imahinasyon na kailanman ay hindi magiging totoo
At magiging Imahe na lang sa mga alaala ko
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Puisi"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter