Sa pagpatak ng ulan
Tila lamig ng panahon ay mararamdaman
Yakap mo ang nais kong maramdaman
Ngunit habang pumapatak ang ulan, kasabay nun ang paglaho ng iyong nararamdamanNoon ako ay masaya
Pero ngayon ay wala na
Dahil ang dating masaya kong puso
Ay tuluyan mong sinira dahil sa iyong mga pangakoKasabay ng pagpatak ng ulan
Habang naririnig kong tumutugtog ang magandang kanta
Habang ramdam ko ang mainit na kape sa aking katawan
Kasabay nun ay ang iyong paglisanSana ako nalang ay naging isang ulan
Para kahit minsan lang magparamdam
Ako ay iyong magustuhan
At ako ay iyong saluhin kahit isang beses lamangU-L-A-N
Na may apat na letra
Kasabay ng pagpatak niya sa mga bahay na magaganda
Ay ang pagtulo ng aking luha mula sa sa aking mga mata
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter