Ang iyong pagkawala ay di ko inasahan
Labis labis akong nasaktan
Mga luha na paulit ulit nagbabagsakan
Dahil hindi ko kayang matanggap ang katotohananPaano na ako ngayon kung wala kana?
Sino na ang makakasama ko sa panahon na kailangan kita?
Sino na ang mahahagkan ko hanggang umaga?
Bakit ang bilis mo akong iniwan aking sintaDahil sa iyong pagkawala
Tila ang buhay ko ay nag iba
Ang dating kong buhay na puno ng saya
Napalitan ng mga luha na dumadaloy galing sa aking mga mataAlam ko na masaya ka na
Alam ko na tahimik ka na
Alam kong maayos kana
At sana sa muli nating pagkikita, sana ako ay maalala mo paAng iyong paglisan ay malaking kawalan
Kawalan para ang puso ko ay maging sugatan
Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto sa akin ng iyong kamatayan
Ngunit ang maipapako ko lang sa iyo aking mahalIkaw lang ang mamahalin at wala ng iba
Ikaw lang ang paulit ulit na pipiliin at hindi sila
Hanggang sa muli nating pagkikita
Hanggang sa langit aking sinta
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter