Mahal kita...
Ngunit mahal mo siya
Pinili kita...
Ngunit mas pinili mo siyaMahirap man gawin
Ngunit masyado ng mahapdi
Mahapdi sa puso't damdamin
Na ako'y hindi mo na magawang mahalinSa paglipas ng panahon
Na ikaw ay aking ini-ahon
Sa pag agos ng iyong damdamin
Damdamin para sa babaeng walang ibang ginawa kundi ikaw ay paluhainLahat ay aking ginawa
Upang ako ay maging sapat na
Pero bakit parang kulang pa?
Bakit siya pa rin ang iyong sinisinta?Akala ko ay tapos na
Ngunit isa lang palang malaking "akala"
Akala ko ay nakalimutan mo na siya
Ngunit siya pa rin pala ang iyong inaalalaTama na...
Nakakapagod na...
Hindi ko na kaya...
Hindi ko na kayang unawain ka...Ito na ang oras
Oras na patuloy na lumilipas
Oras na hindi na maibabalik pa
Oras na sinayang mo ng sobra noong tayo pa...Ikaw ay akin ng pinapalaya
Ako ay bibitaw na...
Ikaw ay hahayaan ko na sa kanya
Ikaw ay akin ng "pinapaubaya"
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter