Para sa iyo

19 2 0
                                    

Sa ating magkaibang mundo
Hindi ko akalain na tayo pa ay magtatagpo
Sa ating magkaibang mundo
Hindi ko akalain na tayo ay magiging masaya ng ganito

Nung una ay magkalayo
Ngunit ako'y gumawa ng paraan
Paraan kung saan ikaw ay makikita
Makikita at mahahagkan ng aking mga kamay

Para sa iyo ang pagsisikap ko
Ginawa ang lahat mahirap man o madali
Ginawa ang mga bagay na kailangan ay hindi ko nagawa
Dahil para sa iyo ito ay kinakailangan ko

Sa bawat minuto
Sa bawat segundo
Sa bawat linggo
Ikaw ang laging naiisip ko

At nang sa wakas nagkita na tayo
Tila ba tumatalon sa tuwa ang puso ko
Dahil lahat ng paghihirap ko para sa iyo
Ay nasuklian ng mga magagandang ngiti mo

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon