"Tulad ng isang tula, hindi pwedeng ipilit kung hindi tugma"
Hindi ba't hindi naman lahat ng tula ay magkakatugma
Isang malayang paglalahad na handa kang dalhin sa kung saan ka tatahakin ng iyong damdamin
Sa kung saan ka dadalhin ng emosyong nais mong abutinHindi lahat ng hindi kinasayan, dapat ng bitawan
Ngunit hindi lahat ng pwedeng ipilit, ay dapat ipaglaban
Dahil sa mundong ating ginagalawan at kinukublihan
Minsan, mas kailangan mo ang kalayaanSa paksang malaya,
madami ang maaaring gawing halimbawa
Isang ibong lumilipad ng walang halong pangamba
O ang pag-ibig ko sayong hindi maikukumparaHindi man sumang ayon sa atin ang panahon
Baka sakaling sa susunod na mga taon,
bibigyan na tayo ng oras huminahon
At handa akong hintayin kahit gaano katagal yunHindi na kita pipilitin at sisihin,
ngunit patuloy kitang hihintayin
Sa panalangin ko'y paulit-ulit kang babanggitin,
ikaw lang ang tangi kong hihilinginSinubok man tayo ng mapaglarong tadhana,
tinuruan man tayong bumitaw at magparaya
Sa isa't isa tayo'y umaasa,
ibibigay ko sayo ngayon ang aking buong tiwalaSa ating susunod na pagkikita, hindi ko na sasabihing hindi tayo ang magkatugma
Bagkus, aking sasambitin na tayong dalawa ay tulad ng isang tulang malaya..
Dahil hindi man magkatunog ang mga salita,
iisa ang nilalaman at yun ay ang istoryang hindi ako handang ituloy ng wala ka..
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter