Natatandaan ko pa noon
Kasabay kang umaahon
Kasama sa dalampasigan habang tinititigan ang mga alon
Kaibigang nandyan hanggang ngayonNaalala ko pa ang bawat kwentong pinagsaluhan
Pati na rin ang mga kalokohan
Sabay pa tayong napapagalitan
Nagkakatampuhan ngunit nagkakaayos din kinabukasanSubalit 'di pala yun magtatagal
Tila'y pagkakaibigan natin ay bawal
Pilit tayong pinagbubuwal
O 'di naman kaya, ako'y naging hangalBuong akala ko ikaw ay totoo
Ngunit ginamit mo lang pala ako
Masakit man, pero yun ang totoo
Nawala ang paboritong kaibigan koIlang luha pa ba ang ilalabas ng aking mga mata
Para matanggap ko na wala ka na
Para maniwala ako na totoo na
Dahil 'di ko pa din tanggap na manggagamit kaPano na ang mga pangarap nating dalawa?
Tutuparin ko na lang ba ng mag isa?
O pipilitin pa din kita kahit wala ka naman talagang intensyon na tuparin pa?
Wag na, hihilingin na lang sa tala na sana'y palagi kang masaya
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter