Takip Silim

45 0 0
                                    

Sino nga bang mag aakala
Isang likhang sining pala
Ang magsisilbing byahe sa panimula
Takipsilim ang nagmistulang himala

Sa isang tulad ko
Bihira lamang umintindi ng ibang tao
Tila takot sabihin ang salitang "klaro"
O 'di kaya takot sambitin ang "tayo"

Isang bagay ang nagsilbing koneksyon
Matatagpuan sa isang natatanging lokasyon
Kung saan payapa ang mga alon
Mahahanap ang kahulugan ng ahon

Kahulugan nito'y paglubog
Para sakin ito ang unang humubog
Kahit minsa'y sakit nito'y parang bubog
Tunog nito'y tila isang tugtog

Ikaw ang magsisilbing una at katapusan
Tulad ng isang lagusan
Sumapit ka nung ako'y walang madaanan
Takas kita sa mundong walang kawalan

Minahal ko ang takipsilim tulad mo
Magtapos man ang ang araw na ito
Babangon ako na ikaw ang sasalubungin ko
Gigising ako na ikaw ang hanap ng aking puso

Kasama kita sa paglubog at pag ahon
Katabi kita sa pagbabago ng panahon
Hawak ko ang kamay mo sa kahit alin pang opinyon
Ikaw ang may ari ng puso ko tulad ng aking pinangako noon

Sa marami pang takipsilim na kasama ka
Sa maraming umaga na nandito ka
Sa maraming problema na sasabayan ka
Sa maraming kwento na sisimulan ng kasama ka

Ikaw ang simula at katapusan
Ang iiyakan at sanhi ng kasiyahan
Katuwaan at kaginhawaan
Hanggang sa huling takipsilim na ating masisilayan

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon