Sana Di Nalang Pinagtagpo

85 10 2
                                    

Napakaraming problema na ang nagdaan
Subalit narito ka pa din katabi sa higaan
Hindi mo pa din ako nilisan
'Di maisip, pano kaya pag ako'y iyong iniwan?

At dumating na nga ang kinatatakutan
Sa isang iglap ako'y nawalan
Naiwang sugatan at luhaan
Dahil lamang sa isang 'di pagkakaunawaan

Hindi inisip na aabot sa ganito
Akala ko tayo hanggang dulo
Yun pala luha ko pa din ang tutulo
Napakasakit naman ng ginawa mo

Nais kong sumigaw ng malakas
Na sana hindi na lamang nagwakas
Nagmahal lang naman ako ng wagas
Andito nanaman ang sakit na mahirap kumupas

Kunwari nalang masaya ako
Kunwari masaya ako para sa inyo
Kunwari kaya ko pang makita kang ganito
Kunwari handa na ako makalimutan ang tayo

Nakakasawang maniwala
Nakakasawang maghintay sa wala
Nakakasawang magmahal ng may iniibig na iba
Nakakasawang maalala yung akala ko na hanggang dulo na

Sana 'di na lang kita nakilala
Sana 'di na lang sayo umasa
Sana 'di na lang nag tiwala
Para sana wala ng tumulong luha

The Untold Story Of Us (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon