Labis ang aking tuwa
Nang ika'y aking makilala
Labis akong natuwa
Nang ika'y aking nakitaTayo'y nagkakilala
Sa lugar na di inaasahan
Lugar kung saan nagsimula
Ang ating istoryaSa una tayo'y masaya
Lagi tayong nagkakasama
Lagi tayong namamasyal dalawa
At labis mo akong pinapasayaHanggang sa isang araw
Lahat ay nagbago
Ang ikaw at ako
Ay biglang naging maguloAng dating masayang samahan
Napunta sa malungkot na nakaraan
Ang labis na tuwa na iyong pinaramdam
Napunta sa mahinang pagluhaTila ba'y ang utak ko
Ay bigla nalang naging magulo
Dahil sa maraming tanong na iniwan mo
Na tanging ikaw lang ang makakasagotBakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako sinaktan?
Bakit siya ang pinili mo?
Bakit hindi na ako?Ano bang kulang ko?
Ano bang mali ko?
Ano bang kasalanan ko?
Para gawin mo sakin itoLahat nang iyan
Ang aking mga katanungan
Katanungan na sa wakas
Binigyan mo na nang kasagutanWala kang kulang
Wala kang mali
Wala kang kasalanan
Wala kang nagawaSagot sa aking katanungan
Pero may isa pa akong gustong malaman
Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit mo ako iniwan?Hindi na ako masaya
Hindi na ako sasaya pa
Kasi nahanap ko na siya
Ang taong mamahalin ako nang sobraPasensya kana
Pero tapos na ang ating istorya
Ang storya nating dalawa
Na sa SIMULA lang sumaya
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter