Sa mga gabing lumuluha ang kalangitan
Sumasabay ang pag-agos ng aking luhang walang katapusan
Bakit nga ba pagkatapos ng isang matinding kasiyahan,
Ay agad na humihirit si kalungkutanTila'y napaka daya naman ng mundo
Ang kasiyahan ay 'di man lang umabot hanggang dulo
Wala man lang pagdadalawang isip, agad ay binawi ito
Hindi ba maaaring maging permanente na lang ang kasiyahang nais koSa dinami dami ng problemang sakin ipinasa
Hindi ba talaga ako bibigyan ng karapatang sumaya
'Di ko hinahangad ang mga ari-arian at malaking halaga
Ang gusto ko lamang ay matulad sa isang ibong malayaAng aking hiling ay namumukod-tangi
Sapagkat ang nais ko lamang ay matigil na ang aking pagdadalamhati
Sana'y sa susunod na aking pagluha pawang kasiyahan na lang ang dahilan
Nais ko ring maranasan kung paano ang sumaya ng lubusan
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Poetry"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter