Oh aking mahal na ginoo
Napakarami kong pagkukulang sayo
Ngunit salamat dahil ika'y nakukuntento
Sa kung anong meron tayoSalamat at 'di ka humanap ng iba
Habang tayo'y malayo sa isa't isa
Sana'y 'di ka magsawa
Dahil sandali nalang, tayo'y magkakasama naSalamat ako'y iyong hinintay
Kahit na ako sayo'y nawalay
Salamat sa mga kantang iyong inalay
Kahit na minsan ika'y matarayButi na lang ika'y nakilala
Binago mo ang nadarama
Dinamayan mo sa pagdurusa
Pinakalma mo sa pagwawalaNilunasan mo ang pusong nagdurugo
Pinunasan mo ang luhang tumutulo
Minahal mo ako ng buong buo
Tinanggap mo ako bilang akoSalamat at nandyan ka
Kahit na inaaway kita
Kahit na ginagalit kita
Kahit na inaasar kitaSalamat at nanatili ka
Kahit na mahirap na
Kahit na masakit na
Kahit na magulo naSalamat at nakilala kita
Mahal na mahal kita
Simula ngayon, bukas, at kahit kailan pa
Mamahalin kita hanggat kaya ko pa
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of Us (POETRY)
Puisi"Poetry is emotion put into measure. The emotion must come by nature, but the measure can be acquired by art." - Thomas Hardy Language:Tagalog Date Started:July 21,2020 End: February 07, 2022 Cover made by: @thebrieplatter