Sobrang dami ko nang iniisip ay dumagdag pa ang sinabi ni Mark. I'm still confused and wondering.. what is going on? Bakit parang nakalimutan kong huminga ng isang Linggo kaya parang late na ako sa balita dito sa earth?Manry? Kuya Ash? Fiancee?
Wait, wait, wait! Naguguluhan talaga ako kahit na akong gawin ko. This is totally insanity! O baka naman nag i-imagine na naman ako ng mga bagay-bagay na hindi naman talaga nangyari? Siguro ay kailangan ko nang magpa check up sa physiatrist kung ganon. Baka nga baliw lang ako dahil sa break up namin na walang dahilan.
Pero imposible.. si Mark mismo nagsabi ‘nun..
“Miranda darling, may pupunta tayong celebration.. bilisan mo dyan.”
Ang boses ni Mama ang nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo. Today is Sunday, two days after that disaster prom. At dahil tapos ko na ang mga requirements ko sa school, libre na akong gamitin ang oras ko para gumala, kumain, sumama sa mga magulang kahit saan. Kagaya ngayon.
Hindi ko na nakausap pang muli ang dalawang love birds ng mundo, si Mark at Manry. Hindi siguro ako it-text ni Mark dahil una sa lahat hindi ko siya binigyan ng number ko. And i understand kapag si Manry, maybe she needs space to think and figure out everything like me.
A familiar backyard made my whole system to shake.
No way.. Daisies in pots.. A mango tree near the entrance.. and the colorful lights displayed all over the fences..
This is the Travosco's residence!
Kaagad kong nilingon si Mama at Papa na ngayon ay walang kibo. Alam nilang magagalit ako o pipiliin kong hindi sumama kapag nalaman kong dito ang punta namin. Of course! Hindi talaga ako sasama kung nalaman ko lang! Ano na naman iisipin ng Polly na ‘yun? Na pabida ako at nakikisipsip na naman? Hays! Ang sarap nalang balatan ng buhay ang babaeng ‘yun!
I'm not bitter. I'm just not comfortable with Polly's presence. I mean, sino bang magiging komportable kapag kasama mo na ang super mahangin na babae, maingay, super clingy at walang galang na ‘yun? Kung siguro ay ikukumpara siya sa akin, hanggang kuko lang siya ng paa ko.
“Welcome to Ash and Polly's engagement party!”
Muntik na akong masuka nang marinig ko iyon. What the hell? Hindi ba binabangungot ang Polly na ‘yun habang iniisip ang araw na ‘to? Take note, hindi pa bagay sa kaniya 'yung tema ng engagement party, nature. Oh well, babagay naman siguro diba? Siguro kung magiging nuno sa punso lang siya.
And speaking of the duwende, hindi pa kami nakakapasok sa loob ng bahay nila Tita Lexie ay iniluwa ng pintuan ang babaeng tinutukoy ko, si Polly. May suot siyang malaking perlas sa kaniyang leeg, sinabayan pa ito ng kaniyang flower crown na kulay berde. Gusto niya pala maging sosyal e! Bakit hindi ‘yung kabibe ng perlas na ‘yan ang sinuot niya?
Ngumiti siya ng nakakaasar at nakipagbeso-beso pa sa akin. “Salamat sa pag punta mo, Miranda Geneva!”
“Sinabi ko naman diba ‘wag mong babanggitin pangalan ko? Mas lalong pumapangit.”
Naramdaman ko ang pagsiko ni Mama sa aking tagiliran, she want me to stop. Come on, hindi pa kami nagsisimula! I'm just you know, starting a little fire. Oh my goodness Miranda! How many times do i have to remind you na tapos na kayo ni Ash at wala na? Bakit pa ba ako ma bi-bitter sa babaeng ‘to? She's just a piece of trash.
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Teen FictionFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...