“Siya ba ‘yong girlfriend ni Ash?”“Kawawa naman, nahalikan ‘yong boyfriend niya ng pangit.”
“Anong pangit? Ang ganda na kaya ni Polly!”
Habang tinatahak ko ang daan papuntang food court ay naririnig ko ang bawat salitang binibigkas ng kanilang mga labi. Imbes na patulan ko sila o sumagot pabalik ay patuloy lang ako sa paglakad.
Nakasunod sila Manry at Mark sa akin, dala-dala ang aking recess na ‘di naubos. Ang sabi nila ay gusto lang nila na marinig si Kuya Ash na magpaliwanag sa akin. Sige, ayos lang iyon. Hindi naman siguro iyon big deal.
“One more, baby. Say ahh..”
“Enough, Polly. Ayaw ko nang kumain.”
Bigla atang naging semento ang aking mga hita nang makita silang dalawa sa bakanteng table, prenteng nakaupo at nagsusubuan. Napakapit ako sa aking palda habang durog na durog na pinapanood silang dalawa. Imbes na tulungan ako ng mga nakakaalam na mag boyfriend kami ni Kuya Ash ay ako pa ang tinatapunan ng tukso.
“Busog na kayo dyan?” lakas loob kong tanong.
I caught their attention. Ang ibang mapang-asar namang mga estudyante ay napa 'ohh' sa likod. Umirap ako nang makita kong tumayo si Kuya Ash. Polly stopped him.
“Bakit ka tatayo, baby?” she twinkled her eyes. “Akala ko ba sabay tayo mag s-study sa bahay? Sabi ni Mommy, okay lang daw kahit sa kwarto ko nalang mag review.”
I opened my mouth. “Hey—”
Tumingin si Polly sa akin. “Oh, hi Miranda Geneva! Nandiyan ka pala?” she acted like she just noticed my presence now. “Pasensya kana ha, ‘di kita napansin. Kase kapag kasama ko si Ash baby, tumitigil mundo ko.” nahimigan ko sa kanyang boses ang kalandian. Hindi ako kumibo.
“Bakit hawak mo palda mo? Baka matanggal yan pag nanggigil ka.” tumawa siya.
Biglang may pumasok sa aking isipan. “Eh, alangan naman sa mukha mo ako hahawak, lugi ako, baka matanggal e.”
“Oo nga beh, baka matanggal. Mahal pa naman inutang mo sa sugar daddy mo para dyan!” narinig kong sumigaw ang aking super supportive na kaibigan mula sa likuran.
Parang wala lang narinig si Polly. Patuloy siya sa paghawi ng kaniyang kumikintab na buhok, at pag-akbay kay Kuya Ash. That wrench! Kapag talaga naabutan ko siya, nakikita niya talaga ang hinahanap niya! She's really a thing! Sobrang sakit niya sa ulo! Pati masasayang relasyon ng tao, sinisira pa!
“Una sa lahat..” she sighed, para talagang disappointed. “..i hate plastics.”
“Oh girl, please don't hate yourself.” napasagot ako ng walang oras.
“Miranda, stop it.”
Biglang nanlambot ang aking tuhod. Nakasalubong ko ang titig ni Kuya Ash. Sobrang lamig niya tignan, parang galit. Gustong magalit ng isipan ko pero sobrang lambot ng puso ko para gawin iyon. T-Tama ba ‘yung narinig ko? Sinabihan niya akong tumigil? Bakit? Ako ba nagsimula? Ako ba nakipaghalikan? Ako ba makikipag group study kasama ‘yang babae na 'yan sa kwarto niya? Ha?
“Thank you so much, baby!” ibinaba kaunti ni Polly ang kaniyang katawan at hinalikan si Kuya Ash sa pisngi. “Alam kong ipagtatanggol mo ‘ko mula sa pakitang tao na babaeng ‘yan! Alam kong mas mahal mo ‘ko kaysa d‘yan na immature!”
“Look who's talking, Polly!” I can't hold back my words.
“I told you to stop Miranda!”
“Then I'll stop! We'll stop!” napasigaw na ako. “Akala ko ba naiiba ka? W-Why did you kissed her? Bakit? Is there something wrong with m-me? Let's talk, babe. Wala namang tayong problema kanina a-ah..”
“Umalis ka na.” he said, no. He commanded.
Humakbang ako ng isang beses. “Fine, I'll go. Just let me tell Ate Polly something.”
Nilingon ko ang babaeng puno't-dulot ng lahat. Sa kaniyang tindig pa lamang ay kitang-kita mo na na ang taas ng kaniyang kumpiyansa sa sarili, just with her plastic face. Kung wala ang bagay na iyon, wala ‘din sigurong pang gagalingan ang kumpiyansa na iyan.
Polly bod and wrapped her arms around Kuya Ash's neck. “Yes Miranda Geneva?”
“Stop calling my name..” sinubukan kong kumalma. “..nasisira lalo ang pangalan ko lalo na kapag ikaw ang nagbabanggit.”
Humakbang ako paatras ng isang beses at humugot ng malalim na hininga. Nilingon ko si Manry at Mark tyaka binigyan ng tipid na ngiti. Alam kong silang dalawa ay sobrang nag-aalala para sa amin ni Kuya Ash and i appreciate it. Binalik ko ang aking tingin kay Polly. She's now being clingy like she is the real girlfriend. “Can you stay away from the sun, Polly? Because i really hate the smell of burning plastic.”
“Class dismiss! Good bye class!”
Kaagad kong niligpit ang aking mga notebook at ipinasok ito sa bag. Nang makalabas ang aming guro ay sumunod na ako sa kanya. Dinoble ko ang aking lakad para maabutan siya sa corridor ng aming building.
“Ma'am!” i tried to catch her attention and i succeed.
She smiled at me and titled her head. “Yes Miss Miranda?”
Inabot ko sa kanya ang excuse letter na aking ginawa habang nagtuturo siya. Oo, excuse letter. Gusto ko kaseng ipagpaliban muna ang aking sarili sa paaralan na ‘to kahit dalawang araw lang. As I've said earlier, ayaw kong maamoy ang baho ni Polly. ‘Yung dating amoy sunog na water bottle lang, ngayon ay amoy goma na.
“POLLY FOR THE WIN!!”
“WALA NAMANG LABAN SI POLLY KASE KABIT LANG SIYA ‘NO!”
“NAPAATRAS NIYA NGA SI MIRANDA E!”
Napaatras? I mentally shook my head. Hindi naman ako umatras dahil takot ako sa kanya. I just want to give respect to my self and friends. Ano? Susulong ako doon tas ‘di niya man lang ako ipaglalaban? I don't like that kind of attitude, sobrang nakakasuka.
Sumakay ako ng taxi pauwi dahil ayaw kong magpasundo kina Mama. Araw-araw kaming sabay ni err.. ni Kuya Ash papuntang school at pauwi kaya't ipapakita ko sa kanya na ‘di ko siya aasahan. Kaya ko namang sumakay mag-isa! Mukha ba akong baldado? Biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa. It's a text message from Mama.
From: Mama kong magunthe
Hello ‘nak! I'm sorry, biglang nagka emergency sa Mati huhu. Your Tita Selerina needs help, inatake siya sa puso, so i need to go. ‘Yung Papa mo naman, nasa Davao de Oro, may project na ic-close. We'll be both home tomorrow evening! Magpasama ka muna sa boyfie mo, don't do anything stupid ha! Love you.Hinila ko ang gate ng aming bahay nang makarating ako. When i gaze the front door, it's open, i immediately ran. Hinubad ko ang aking shoes at kinuha ang payong na nakasandal sa pader. Nakaalis lang si Mama at Papa, may magnanakaw kaagad?!
Narinig kong may tumunog na pinggan sa kusina kaya kaagad akong pumunta doon. Nakataas na ang payong, handa na akong mangpukpok ng magnanakaw pero isang sigaw ang nagpatigil sa akin.
“Oh my goodness! Bakit may daga dito sa kusina ni Sabrina?!”
Dahan-dahan kong ibinaba ang payong at umayos ng tayo. Humakbang ako ng isang beses papasok sa kitchen, at nang nakita ko ang kabuhuan ng taong iyon ay doon ko lamang ito na kumpirma.
I smiled weakly as my chest started to pump abnormally. “Tita L-Lexie..”
Edited: 08-25-2021
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
JugendliteraturFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...