Chapter 22

89 7 0
                                    


  Time flies by then the night is young. In short, sobrang bilis ng oras kung tumakbo. We; Kuya Ash and Justine didn't communicate to each anymore. Isang Linggo nalang ang natitirang panahon para mag-ensayo sa nalalapit na JS Prom. Si Kuya Ash ay palagi kong hindi naabutan na nasa gym, but for sure kasama niya ang fiancee niyang si Polly. At kung ang presensya naman ni Justine ang tatanungin, he is missing in action. Ang sabi-sabi ay pinag transfer siya ng principal, ang iba naman ay sinasabing na umuwi daw sa Finland.

“One, two, and one two..”

Me and my new partner, Amir, started to practice dancing. Yes, it's not Justine the bad guy anymore. Buti nga at binigyan ako ng coordinator ng bagong kapares sa pagsasayaw. He is two years older than me, and knowing me, sobrang mahilig ako sa mas matanda. Miranda! Not again!

“Bobo Mark! Dapat kase kaliwa ‘yung paa! Hindi kanan!”

Nalingon ako sa aming likuran. At tama nga ang hinala ko, nandoon ang dalawang love birds na away lang ang alam. Honestly, i haven't seen them cuddling, kissing or being nice to each other. Siguro ay wala talaga sa kanilang mga bokabularyo ang katagang 'peace not war'

“Sabi mo wala kang talent..” narinig kong bumulong ang aking kasayaw.

“Huh?”

“Ang galing mo kayang sumayaw. Our steps synchronizes to each other, baka tadhana talaga tayong dalawa.”

My cheeks heated after that. Luh siya! Sobrang bolero ng isang ‘to! I mean, kakatapos ko lang mag kwento sa kaniya na hindi ko alam kung may talent ba ako o wala. Tapos ay napansin niya kaagad! He nailed it! I'm glad the he is paying attention to my words. Sana ay ganon din siya sa akin. Wait a minute.. bakit ko ba siya iniisip? Ikakasal na siya after graduation, may fiancee na.

“Your boyfriend is getting married, is it true?”

Napatingin ako kay Amir, may halong pagtataka. “How did you know that? Masyado na bang kalat o chismoso ka lang?”

“Uh..” he chuckled and scratch his nape. “..sakto lang. So, do you mind if you share your thoughts with me?”

I let out a heavy sigh after that. Tumigil kami sa pagsayaw at nag desisyon na magpahinga muna. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sariwang-sariwa parin sa aking alaala ang kahapong nagdaan na hindi malimutan. Kung itatanong niyo kung masakit ba.. super, it hurt so good.

“Bakit hindi mo siya ipinaglaban?” Amir suddenly asked out of blue.

Mabilis akong napaisip sa kaniyang tanong. Bakit nga ba?

Anong laban ko doon? Si Polly, destined fiancee na niya, tapos ako, girlfriend lang tas itinanggi pa na mahal sa harap ng nang hostage sa akin! Ni-hindi nga kami nagkausap ng maayos o nag-usap about sa pag b-break namin! Aba, aba, kung tutuusin ay hindi ako ang lugi. Biglang nag-iba ang timpla ng aking isipan, kung kanina ay parang hindi apektado, ngayo’y parang sobrang sakit na. Maybe.. Maybe the universe doesn't want us to obtain that 'forever' and 'happy ever after' title.

“Hayaan mo na ‘yun, masaya na sa iba ‘yun.” i smiled.

He opened his water bottle and gave me a crooked smile. “‘Di mo sure..”

Ang mga bagay noon na normal lang sa akin, ngayon ay sobrang nakakapanibago. Kagaya ng pagtitiwala; kung noon ay sobrang bilis kong maniwala, bumigay sa kausap at magtiwala, ngayon ay mas naging mahigpit pa ako sa aking sarili. First of all, hindi ko ito ginagawa dahil umiiwas ako sa toxic society, ginagawa ko ito dahil takot na ulit akong magtiwala ng lubos at masaktan ng labis. Pangalawa ay.. hindi pa ganon kagaling ang aking puso galing sa pagkabigo nito. Third and last reason is, because i still love him.

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon