Everything went very pa sa good.My relationship with Kuya Ash, friends, parent's and classmates. Parang ang sarap mabuhay kung ganito lahat nakikita mo. Positivity, love, care and non-toxic (minsan si Manry) Daily nang nakikipag communicate sa akin sina Faye, Rasp at Sue. Finally, napilit din nila ang isa naming kaibigan na makipagbati sa akin. Napilit ko rin sila Mama at Papa na iurong ang kaso laban sa kanila.
Sobrang bilis talaga ng oras. Isipin mo, Marso na! Parang kahapon ko lang sinagot si Kuya Ash sa araw ng pasko e! Mag t-tatlong buwan na kaming mag boyfriend and girlfriend. Syempre, kahit na monthsarry lang, parang sobrang bongga pa rin, para ngang buwan-buwan ay may anniversary kami kung magregalo siya e.
Alas singko pa lang ay gising na ako, naghahanda para sa panibagong araw na mag-aaral sa last quarter ng Grade 11. Ibang-iba ‘yung saya at excite na nararamdaman mo sa sarili mo kapag nakikita mong mas nagiging mabuti na mga marka mo.
“Anong nangyayari?” hawak-hawak ko ang aking towel nang marinig kong sumigaw si Mama sa banyo.
Kaagad siyang lumabas at sinalubong ako. “Sira yung water pipe natin!” she almost lost her patience. “Akala ko ba ay inayos na iyan ng monggoloid na Sergio na ‘yun?”
I chuckled. Tito Sergio, Mama's big brother. Siya kase ang nag-aayos ng aming water pipe dahil gusto niya. Sabi niya pa nga ay magpaayos na daw kami ng water pipe sa kanya habang ‘di pa siya sikat. Hindi ko maitatanggi na sobrang korni at joker ni Tito Sergio.
Nagkausap sila Mama at Tito Sergio, ang sabi ay mamayang alas siyete pa daw siya dadating dahil inaayos pa daw niya ang kaniyang sasakyan. Kung nandito pa lang si Tito Sergio sa malapit, kanina pa ‘to nakabatok si Mama.
Kinuha ko ang aking cellphone tyaka gumawa ng mensahe para kay Kuya Ash—babe nga diba! I rolled my eyes.
To: Babe
Hello babe!😍😍😍 Good morning ☀️ 🌄 Sira yung water pipe namin 😔👍 Mamaya pa akong seven makakapasok ng school.🎒🏫He immediately replied.
From: Babe
Go'mo babe, gusto mo ba sunduin kita dyan? Dito ka nalang maligo sa amin. Mom and Dad won't mind. ;)) I love you <//8I rolled my eyes. Monggoloid talaga minsan si Kuya Ash-babe! Sinong matino na tao mag s-suggest na doon ako maligo? Kaagad akong kinain ng hiya kaya nag reply ako.
To: Babe
Jusmiyo marimar, papunta na mag aayos. Mauna ka nalang sa school, magpapahatid nalang ako kay Papa. Ge bye na! Hihi ilabyoutoo! <//8Akala ko ay sobrang dali lang ng pagkukumpuni ng water pipe, hindi pala. Mama scolded Tito Sergio for being five minutes late. Minsan ay nakakapagtaka itong si Mama. Ngayon ko pa siya napansin na time conscious, gusto palagi ni Mama na late! Para daw dramatic entrance with attention.
“My goodness, Sergio!” halos maghisterya na si Mama. “Ang tagal mong dumating! Paano nalang anak ko? Mala-late na 'yan sa school! ‘Yung sinaing ko! Wala pang tubig!”
Tito Sergio rolled his eyes. “Ang drama mo naman, Sabrina. Tignan mo nga ‘tong anak mo, wala namang reklamo ah? And please, call me Kuya you asshole! Mas matanda ako sayo ng ten seconds!”
And here comes Sabrina and Sergio again. Nag aaway na naman at nag aasaran. Hindi na ako nagtataka dahil ganito talaga sila palagi kapag nagkikita. Nung huling kita nila ay muntik na nga silang magsuntukan at magsabunutan dahil lang sa kutsara. Pero ramdam naman namin na mahal nila ang isa't-isa dahil alam naming naglalambing lang sila.
I tried to call Manry and Mark. Out of coverage sila kaya naisipan kong busy ang dalawang kupal na iyon. Gusto ko pa naman sana magpasabay ng puto sa canteen, baka kase maubusan ako pagdating ko. Gumawa nalang ako ng mensahe para sa kaniya.
To: Mandalene
Hello gurl🤩☝️ Good morning 'nu, btw pasabuy aq sa pu2 dun sa canteen fleece😔😔😔 Laham kita😘😘😘😘Totoo nga ang sinabi ni Mama, na late ako sa school. Sunog ang labas sa nilutong kanin ni Mama. Naka-max kase ang gasul, dahil daw mahuhuli na ako sa first period kapag hinihintay namin ‘yung pagtakbo ng rice cooker.
Nagsimula akong maglakad habang nagsusuklay papasok sa campus ng Panabo City National Highschool. Hindi ko ramdam ang pagiging late dahil marami pa namang nakatambay na estudyante sa labas. Sobrang rami ng kumakain, naglilinis at nagtatakbuhan. Biglang tumunog ang school bell kaya napadoble ako ng aking lakad.
“Nagbalik na siya? Bakit?”
“Bakit kaya siya nawala ‘no?”
“Nagparetoke siguro. Ay! Baka ‘di nakaya ng mga doktor sa plastic surgery ‘yung kapangitan ng mukha niya!”
Muntik na akong tumigil sa kumpol ng mga babae na nag-uusap nang marinig kong may pinag-uusapan sila. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila, pero sigurado ako mamaya, lilitaw din ‘yang chismis na iyan. Nang makarating ako sa classroom ay kakapasok lang din ng guro kaya laki ng pasasalamat ko sa oras.
Exams will be here next week. Ngayong linggo nalang kami bibigyan ng pagkakataon na mag review. Napakagat ako sa aking lapis, ano nalang kaya ang gagawin ko? What if i pass STEM until next year? Magiging Engineer na ba talaga ako?
“Mahal!” nakita kong may bitbit si Manry na isang balot ng puto. Kaagad akong tumayo at kinawayan siya.
“Luh,” Mark rolled his eyes. “Ang feeling mo naman Miranda! Ako ‘yung mahal niya hindi ikaw! Echosera!”
Siniko at pinandilatan siya ni Manry. Pagkatapos ‘nun ay kaagad akong binalingan ng tingin. Manry hugged me tight, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siya ganito before, but i think there's a problem.
Nang nag-uusap sila Manry at Mark ay kinuha ko ang pagkakataon para i-dial ang numero ni Kuya Ash. Pero sobrang weird ng umagang ito. He didn't pick up my call nor reply to my messages. Hindi naman siya ganito before ah.. I shook my head. Baka busy lang siguro sa finals. Binalik ko ang aking atensyon kay Manry.
“Hey, may problema ba?” nagsimula akong isubo ang mga maliliit na puto.
She sighed deeply. “Wala naman mahal, ayos lang kami ni Mark.”
“Sigurado ka—”
“I'm sorry..”
Natahimik ako. Hinahanap ko ang tingin ni Mark, pero kahit siya at iniiwasan akong matignan. Napadiin ang hawak ko ang isang maliit na puto, what the hell is going on? Napakagat ako sa aking ibabang labi at ibinalik ang tingin sa seryosong Manry.
“We saw Ash, your boyfriend..” putol niyang sabi.
Nakahinga ako ng maluwag. Ang mabigat na pakiramdam ko ay biglang nawala. Akala ko ay magkaka heart attack na talaga ako sa balita nila! Goodness! I chuckled. “Oh? Nasaan na siya? Kanina ko pa ‘yun hinahanap ah! Pinakaba niyo ako ng todo—”
“..kasama niya si Polly. Nakita naming n-naghalikan sila sa harapan ng canteen.”
Edited: 08-23-2021
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Teen FictionFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...