Chapter 4

275 85 23
                                    

 
   Sa dami-rami ng pagkakataon na pwede akong gawing hot seat eh ngayon pa. Ang mata nilang lahat ay nakatuon saakin. Kanina pa kase ako hindi sumasagot sa mga tanong nila. Marahan akong siniko ni Mama sa ilalim ng mesa kaya nag-angat ako ng tingin.

An annoying memory crossed on my mind.

“Narinig kong nag confess ka raw kay Zandro kanina sabi ni Ash Drix.” narinig kong tumikhim si Papa kaya natigilan ako.

Biglang nagsalita si Mama galing sa kusina. “But i thought you like Ash and not Zandro because he's too mysterious?”

I pouted. “He misinterpreted it, Mama at Papa. Zandro and I are good friends, he was just helping me how to confess.”

“Come on,” Papa tapped my head. “hindi naman ‘yan problema. You can tell him next time, kapag nagkaroon na ng magandang tiyempo. And goodness, you're only seven tapos nag-iisip kana ng crush!” pagkatapos no'n ay kiniliti ni Papa ang aking tickle spot.

“Ma! Si Papa oh!”

A gentle hand caressed my back, iyon ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Ngayon ay naalala kong nandito pala kami sa bahay ng mga Travosco at nagiging lutang ako.

“Pasensya na kayo, nagugutom lang ata si Miranda at nabilaukan kaya hindi makasagot.” my Mom smiled.

Humalakhak si Tita Lexie. “Ang ganda ng explanation ng mabuti mong Mama, Mira.” binigyan niya ako ng tingin. “Ikaw, hija? May mga mangliligaw ka na ba?”

Bigla akong nabilaukan saaking sariling laway nang matandaan ko na walang ni-isang sinubukan na ligawan ako. My Dad panicked and reached for a water. S’yempre! Panic attack tuwing walang maisagot!

“Wala po e.” magalang kong sagot.

Tito Alexandre flinched and wiped the corner of his mouth. “Sa ganda mong 'yan, Miranda, walang umakyat ng ligaw sa'yo?” he let out a small chuckle.

Muntik na akong ma offend no'n pero naalala ko, joke lang ‘yon. Actually, ‘di ko rin alam kung bakit walang nag co-confess saakin o nagsubok mangligaw. Siguro ay dala na siguro iyon sa awra at pagkakakilala nila kay Papa. As I've said, strict titigan ang Papa ko at medyo matalim ang dila niya. Pero sa katunayan ay sobrang bait niya ang gentle mag-alaga.

“Natakot ata sa Papa niya 'yong mga sumubok.” tumikhim si Mama at makahulugang tinignan ang aking Ama. “Hindi naman nag kwe-kwento sa akin si Miranda ng mga napupusuan niya.”

Tita Lexie chuckled. “Ang secretive mo naman, Mira!” bigla niyang hinaplos ang aking balikat. “Pero may nagustuhan ka na before?”

Ngumiti ako ng hilaw. Bakit nga ulit ako ang ginigisa dito? Wala akong matandaan na ginisa ko sila before ha! Ba't ‘yong life ko lang ang topic dito? Ako lang ba mag-isang nag e-exist dito? Napaangat ako ng tingin kay Kuya Ash na tahimik pinapapak ang kaniyang watermelon.

“Meron naman po, si Kuya Ash po.” straightforward kong sagot.

Napuno ng tawanan ang buong hapag sa aking sagot. Happy pill niyo ba talaga ako? Tawang-tawa kayo sa sagot ko e totoo naman! At least ‘di ako liar at bitter! I mentally rolled my eyes. Omayghaasss! Nakaka stress kapag dalaga na!

Bigla kong naisipan na dugtungan ang aking sinabi dahilan kaya natigilan sila. “T'yaka last last year pa po 'yon, focus po ako sa pag-aaral. No time for boys po.”

Simula nung bata pa ako ay never ako nagkaroon ng mga permanent na kalaro. Tuwing may bago akong nakikilala sa playground ay palagi kong sinasabi sa sarili ko na, 'People come and people go' para ‘di ko pa asahan na magtatagal sila sa buhay ko. Anyways, kalaro lang naman ‘yun. Ang totoong kaibigan na meron ako ay si Kuya Ash lang. Never kaming nagkaroon ng pagkakataon na maglaro ng totoo kase tuwing nag-aaya siya ay asar lang meron sakanya. Tinatago niya ‘yung mga laruan niyang bago kase ayaw niya daw madamay sa kabaklaan ko.

Tumunog ang mga baso, hudyat na mag ch-cheers sila sa ere. I was about to raise my glass too but a sharp stare of someone made me stop functioning. Nang tumingin ako sa gitna ay nakatingin si Kuya Ash, he shook his head. Parang humihindi siya saakin. Binababa ko nalang ang aking kamay at tinusok ang mga shrimp sa plato.

Aba, ba't ayaw niyang maki-join ako? I raised a brow. Selos lang siya, mahal ako ng parents niya, siya hindi.

“Sana kayo nalang magkatuluyan ni Miranda, Ash Drix.”

Gusto kong magpanggap na susuka pero naalala ko na crush ko pala ‘yan. I just smiled and nod. Nagsimula na namang manukso si Mama at Papa na parang ka-edad ko lang na nakiki vibes sa panahon. Jusmiyo! Kung ganito magulang mo, iisipin talaga ng iba na ikaw ‘yong magulang kaysa anak.

“‘Di kami bagay, Ma.” he sipped on his glass.

Napakunot ang aking noo. Tita Lexie chuckled and teased her son. “Oh ano ‘tol? Kase nagpakilala ka ng babae kanina? Tol pwede ka pa atras ‘tol.”

Napuno ng tuksuhan ang buong sala nang paandarin na nila Tito Alexandre at Tita Lexie ang karaoke. Si Mama at Papa ay pinipilit ako sa buksan ang song book at kantahan sila. Of course! Ayoko nga! 'Di ko nga alam na singer ako eh! Hindi kami nagkakaintindihan nila Mama kaya sandali ay nag-isip isip ako nang biglang..

♪♪  Everywhere i look, i see her smile
Her absent minded eyes
And she was kept me wonderin' for so long
How this thing could go wrong. ♪♪

Napatingin ako sa kumakanta. Sweet heavens! Totoo ba ‘yan? Hindi pala sintunado si Kuya Ash? Akala ko ‘di sya kumakanta! Scammer ‘to! Halatang ayaw niyang magpa awat dahil seryosong-seryoso siya habang nakaharap sa screen ng tv.

♪♪ It's seems to be me we are both the same
Playin' the same game
But as darkness falls this true love falls apart
Into a riddle of my heart.  ♪♪

As the chorus song occurs, i remembered something at the moment. Mamamiya! He's singing my father's favorite song!

♪♪  She's so vulnerable like China in my hands
She's so vulnerable and i don't understand
I could never hurt the one i love, she's all i've got
But she's so vulnerable, oh so vulnerable.  ♪♪

Our parents' clapped their hands for Kuya Ash after the last note of the song. Pati nga ako ay pumalakpak na din. Hangang-hanga ako sayo lodicakes! Ang galing niyang kumanta, effective!

“Not bad, Ash Drix.” my Papa nod his head and tapped Kuya Ash's shoulder.

Napansin ko ang pagkurap ni Kuya Ash ng ilang beses. He smiled towards my Dad. “T-Talaga po? Salamat po, Tito.”

Sa totoo lang ay parang tide ang pagpuri ni Papa kay Kuya. Gulat ka ‘no? Kase pati ako, naggulat din. I mean, iyon ang kauna-unahang beses na nakarinig kong pumuri si Papa. Ba't parang ang partida naman ata ng mga magulang ko? Magulang ko ba talaga sila? Parang hindi ah!

Edited: 05-29-21

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon