Sa totoo lang, nabibilisan ako sa pagtakbo ng orasan. Parang kahapon lang ay nag ce-celebrate lang ako ng 14th birthday ko, pero ngayon ay Senior High na ako! Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na! Akalain mo iyon?Kakauwi lang namin ng mga magulang ko galing sa America. Nagkaroon kasi ng kontrata doon sa trabaho si Papa ng ilang taon, at ngayon ay tapos na, which is weird kasi akala ko sa susunod na taon pa. Hindi niya sana tatanggapin pero nag-insist si Mama. Kung gano'n ka ganda ang opportunity na darating sa buhay mo, ay 'wag na 'wag mo daw palalampasin pa. Heto ako, nakaranas ng buhay taga Amerika, sosyal 'diba? Minsanan lang tayo nabibigyan ng magandang pagkakataon e. Kung masaya ako sa ibang bansa, mas lalo akong masaya na nakauwi na kami dito sa aming lupang hinirang!
“You sure about this darling?” napatingin ako kay Mama dahil sakanyang tanong. Sa kaniyang edad na trenta y singko ay sobrang ganda parin niyang tignan. Nakasuot ito ng jacket at pantalon, ngunit hindi ito hadlang para takpan ang kaniyang kagandahang taglay.
I nod my head and opened the car's door. Ang ibig sabihin ni Mama ay ang tungkol sa pag-aaral ko dito. Nagdadalawang isip kasi silang dalawa ni Papa na papasukin ako ng public school, pero nirespeto nila iyon ay ako ang nag desisyon.
“Opo ma, tyaka don't worry. Yakang-yaka ko po ang sarili ko. Pinalaki mo po akong independent e!”
Napangiti ng malawak si Mama. Ngiti na sobrang proud sa anak. Well ako pa ba? My parent's raised me well. Hindi sila nagkulang sa pangangaral sa 'kin, o pagdidisiplina. Kahit na medyo masungit at maanghang magsalita si Papa ay naintindihan ko naman siya kung bakit gano'n. Nag-iisang anak lang kase ako nila Mama at Papa, hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong sundan, pero okay na iyon. Naiintindihan ko na bilang unica hija, malaking responsibilidad ang aking katapat. Kabilang na doon ang pag hatid-sundo, pag babantay mula sa lalaki, iwasang mag taas ng boses at iba pa.
Miranda Geneva Flores, the one and only daughter of Sabrina and Giovanni Flores. Pinalaki na may puso, pagpapatawad at pagmamahal. I'm not sure kung matatawag ba akong matalino dahil minsan ko lang pinapagana ang utak ko. I don't know if i have any talents kase wala pa akong nasusubukan sa lahat.
Growing up in another country is not easy. 'Yong tipong kailangan mo mag adjust para sa kanila, kailangan mong pag-aralan ang lenguwahe, mga nakagawian, tradisyon, at ano ang gagawin mo para makisalamuha sa iba. Of course, dollar speakening silang lahat doon, kaya't sobrang hirap para sa akin na sabayan sila. But being a Filipino is an advantage, kapag inaaway o inaasar nila ako ay nag-tatagalog ako para 'di nila maintindihan ang mga reklamo ko.
Unang pasok ko palang sa campus ng bagong school ko ay nakaramdam ako ng sobrang kaibahan. Ang mga paaralan sa America ay ibang-iba dito sa Pinas. I mean, nag-iingay din naman ang mga Amerikano, pero ibang-iba talaga ang ingay ng kapwa mo Pilipino. The ambiance, air is different, maraming pakalat-kalat na estudyante, naglalaro at iba pa.
Mabilis kong nahanap ang aking classroom bago pa tumunog ang bell ng paaralan. Sa katunayan nga ay kasabay ko lang pumasok ang aming adviser, kaya't first impression palang ng iba sa aming sa loob ng silid ay sipsip. Nagsimula ang klase na pormal. Hindi ko kailan man naisip na boring ang klase dahil sa classroom namin ay ang daming clown. First day palang ay nangbabato na sila ng mga mais na mga jokes sa iba pang classmates. T'wing nasa akin ang kanilang atensyon ay ngumingiti lang ako at umiiling.
Our second subject teacher asked us to get one whole sheet of paper and write our names. Bigla tuloy nag-iba ang ihip ng hangin! Parang kanina lang sa first subject ay tumatawa kami, ngayon ay ang tahimik na namin. Awra palang ng teacher na ito ay nanginginig na kaming lahat, paano nalang kaya kapag nagturo ang naging terror? I shook my head mentally. Hoy! Think positive Miranda Geneva!
“Gusto ko na isulat niyo rin d'yan sa papel ang mga gusto niyo sa buhay. Ambition, goals, dreams o ano mang tawag niyo dyan.” the teacher lift her glasses higher. I gave me chills, sadyang madali akong matakot kapag ganito ang magtuturo!
“Ma'am p'wede si crush?”
“‘Wag kayo mag-aasawa ng seaman! Kasi seaman-loloko 'yan!” i shook my head, that is off the topic. Mga loko-loko talaga.
“Psst!”
Nagsimulang mag-ingay ulit ang mga kaklase ko at parang nanghihingi ng suggestions kung ano ang isusulat sa papel. I smirked, of course. Alam ko na gusto ko sa buhay ko.
Gusto kong maging isang Engineer, kagaya ng Papa ko. Hindi ko alam pero gusto kong yumaman. Kahit maging simpleng Engineer lang ay masaya na ako, with or without fame. I want to express my gratitude sa mga magulang ko, of how they cherish me after all these years and for guiding me along the way. Gusto kong maging successful someday like them. Maging creative sa isip, understandable, approachable and productive. And, of course to find the guy who'll tell me everyday that I'm the brightest star in his life, create a family and have a forever after.
“Hoy babae na nasa harapan na may maikling buhok!”
Luminga-linga ako. Sa tingin ko ay ako ang tinatawag ng boses na 'yon, if I'm not mistaken. Tinignan ko ang aking katabi at kalapit na upuan pero walang naka short hair sakanila, maliban saakin. Tumingin ako sa likod, napansin ko ang pag kaway ng dalawang babae saakin.
“Kanina pa kita tinatawag!” the first one rolled her eyes. Her dimple on the left side of her chubby cheeks showed and deepened. “Ako pala si Rasp, t'yaka 'tong dalawa si Faye at Sue.”
Napansin ko na may kulay na nakahalo sakanilang buhok. They have piercings everywhere. Short skirts, and small blouse. Hindi ba 'to labag sa school rule or students handbook? Akala ko hanggang— bigla akong inabutan ng babaeng nagngangalang Faye ng isang pakete ng bubble gum. Nagdadalawang isip ako na tanggapin iyon pero, pakiramdam ko ay nagpaparamdam lang sila ng mainit na welcome sa akin bilang bagong estudyante.
“I'm Miranda Geneva Flores, nice to meet you.” i smiled.
“Ang haba!” napahikab ang babaeng nagpakilalang Rasp. She hissed and rolled her eyes. “Mira nalang, p'wede na ba ‘yon?”
Sa pag tumango ako sakanila ay ang kauna-unahang pagkakataon na hindi ko pinagsisisihan na naging tao ako. Sa wakas at nakahanap din ako ng bagong mga kaibigan. Siguro ay ang mga kaibigan ko do’n sa Amerika ay nakalimutan na ako. Sino ba namang makakaalala sa akin doon? I'm not but a nerd, weirdo trying to be number one. Kaagad ko iyong iniwala sa aking isipan, panahon ngayon ng bagong kaibigan, bagong paligid. Old ones doesn't have to pester my life here.
Pagkatapos ng klase ay tinuruan nila ako ng mga bagay na alam nila. I know it's bad, but i think I'll try. Kung gusto ko daw na magtagal sa public ay kailangan kong matutunan ang bagay na ito; Tinuruan nila ako kung paano sumingit sa canteen, kung paano dumura sa kahit saang lugar. They taught me to skip lunch so we can spend more time together. Ang pag pindot ng emergency bell, doorbell ng kalapit na bahay sa campus at pag kokopyahan ay sa kanila ko din natutunan. Sobrang liit na bagay lang ‘to sa para sa ibang tao, pero para sa akin ay sobrang makabuluhan ito.
May kaibigan na kaagad ako!
Edited: 05-28-21
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Roman pour AdolescentsFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...