Epilogue

212 13 4
                                    

Ash Drix Travosco's POV

"Krazy, Ash." narinig kong humalakhak si Nebuchadnezzar dahil sa aking pinagtapat sa kaniya. "Ang pangit mo masyado! In love ka parin sa ex-girlfriend mo? Like yuck!" umakto pa ang gago na parang nasusuka.

I frowned after what he said. "Shoot dude, umayos ka nga dyan. Wala 'yung ex-wife mo dito para pagalitan ka."

Nag dirty finger sa akin ni Nezar bago tumalikod at umorder ng panibagong drinks. Mas lalo pang umingay ang bandang gitna ng club nang lakasan ng DJ ang musika kaya napasayaw lalo ang mga lasing. Nang sinipat ko ang aking cellphone ay doon ko lamang naalala para saan ang gabing ito.

Ngayong araw matatapos ang pagiging Bachelor ko dito sa Pilipinas. I groaned when i suddenly remembered the word, 'marriage.'

Yup, that's right. Ikakasal na ako bukas and i have nothing to do with it. Kahit na sabihin kong ayaw ko o mag b-back out na ako, hinding-hindi nila iyon pakikinggan for sure. Mandalene Rys is such a good girl to be true, minsan nga lang ay sinusumpong ng pagiging kalog at monggoloid niya.

"To Ash Drix na ikakasal na bukas!" itinaas ni Nezar ang kaniyang baso, dahilan para itaas ko rin 'yung sa 'kin.

Hindi talaga ako masaya. Sa edad kong ito, twenty-eight, hindi pa naman ako masyadong matanda para mag-asawa na. I need to build a family before i reach twenty-nine or thirty, so that's why I'm doing this. Nang itinaas ko ang aking tingin sa kisame ng club ay bigla kong naalala ang sinabi ni 'Mmy sa akin.

"Hindi ka ba nagsasawa na palaging ganito, Drix?" sermon pa niya nang maabutan akong nakahiga at lasing sa sahig ng aking kwarto. "Ano? Fun, fun, fun ka lang hanggang mag fifty ka? Wow 'tol ha." nahimigan ko ang pagiging sarkastiko ni 'Mmy sa boses niya.

"Mommy, pabayaan mo nalang ako.." i whispered, whining like a kid. "..ayokong ikasal kahit kanino, basta kay Miranda lang." hindi ko mapigilan ang aking bibig sa aking mga pinagsasabi. Maya-maya pa ay sumuka ako sa doormat ng aking kwarto.

Narinig kong napasinghap ang aking Ina, nasunod 'non ang malutong niyang mura. "What the fvck Ash Drix!"

"'Ddy! Si Mommy nagmumura na naman! Shh na Mom, isinumbong na kita." i chuckled after that.

Nagtagis-bangang si Mommy pagkatapos kong humalakhak. "You're the one who needs to shut up, Drix. Since kailan ka pa naging ganito? I still remember the words you exactly said to me that you're not going to taste alcohol!"

"That's was before, Mom. You know, people change, aye?" nag-puppy eyes pa ako sa kaniya.

"Nagkakaganito ka lang dahil miss mo na si Miranda! Pinalaki kitang lumalaban, Drix, not like this! Hinding-hindi siya babalik dito kung ganiyan lang ang gagawin mo sa araw-araw!"

My Mom's words stabbed me million times. Kahit na mga salita lang iyon ay para niya akong sinampal sa katotohanang hindi ako p'wede maging gano'n nalang sa tanang buhay ko hanggang sa kamatayan. And that night, i realize, ako pala ang nagkulang.

After partying with Nezar, i safely drive way back to home. Buti na lamang at hindi masyadong mabigat sa pakiramdam ang mga piniling inumin ng Nebuchadnezzar na iyon, dahil kung hindi, malilintikan iyon sa akin bukas sa araw ng kasal ko. Nang mahawakan ko ang doorknob ng aming bahay ay narinig ko na may nagtatalo na mga tao sa loob. I was about to open the door when i heard a very hurtful word.

"I don't like him, Mark."

Him? Is she refering to me? And with that voice? I knew it already who she is. It's Manry, my fiancée, na matatali na sa akin bukas. Goodness Ash Drix! Baka ay guni-guni mo lang iyong narinig mo. Manry can't betray you now because tomorrow is your wedding day! No way!

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon