“Gusto kita hindi dahil sa gwapo ka o matalino o mayaman.” she smiled. Doon ko lang napansin na hindi pala pantay ang pagkakalagay ng lipstick, dahil pati ang ngipin niya ay may kulay pula at foundation. “Gusto kita kase ang bait mo sa akin, naiintindihan mo ako, hindi kagaya ng ibang tao..”“Hmm,” Kuya Ash remained calm. “Is that so?”
Nahulog ang sandwich na nasa aking kamay. Kanina pa kase ako nanginginig, hindi ko alam kung bakit. Mas lalo pang tumahimik ang lahat. Tila ba’y bininigyan sila ni Tadhana ng magandang pagkakataon para ipaghitawig sa lahat ang pagmamahal. I smiled sarcastically. Bakit pala ako nandito? Hindi dapat ako nandito e! Pinulot ko ang sandwich t’yaka ibinulsa.
Polly nodded. “Yes, Ash.”
“I'm already in love with someone.”
Iyon ang pagpa ingay ng mga estudyanteng nasa bilog. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa kanilang mga katabi, reminding them how shameful Polly's act is. Tahimik lang si Kuya Ash sa gitna kahit na pinag-uusapan na sila ng lahat.
“S-Sino?” Polly stuttered.
“Ang lakas naman ng loob ni Poly, masyado atang kinapalan ng pagkaka make up ‘yung mukha.”
“Anong laban niya sa gusto ni Ash? Eh, baka dumi lang siya sa kuko no'n.”
“Hindi naman yata papayag ang mga magulang ni Ash na malahian ng ganyan ka pangit na pagmumukha no! Kahit anong talino pa niyan, pangit parin!”
Umubo ng peke ang isang estudyante kaya tumahimik ang lahat. Bumalik ang aming atensyon sakanilang dalawa. At t’yaka kung babalikan ang sinagot ni Kuya Ash, he's already in love with someone else? Sino naman? Si Manry?
Baka ako na ‘yon!
“Gusto mo malaman sino ang taong iyon?” pinatakbo ni Kuya Ash ang kaniyang mga daliri sa basang buhok niya dulot ng pawis.
“Y-Yes please,” Polly nodded. “Just tell me what's her name.” dagdag pa niya.
Kuya Ash glanced the crowd. He let out a soft sigh. “May kilala ba kayong Miranda Geneva Flores?” nakapamulsa siya. “‘Yan ang pangalan niya.”
Luminga-linga ang mga estudyante at nag tanong-tanong kung may kilala ba silang Miranda Flores. T-Teka.. Ako ba yung tinutukoy niya? Wait! Nagbibiro lang ako! Sana pala ‘di na ako nagjo-joke sa utak ko!
Polly smiled at the crowd. “May kilala ba kayong Miranda Flores?”
Karamihan sila ay sumagot na 'wala' o di kaya'y 'malay ko bang may Miranda dito' I need to initiate a retreat now! Wrong move! Bakit ba kase ako nandito at the first place? Mabilis na naglakad ang aking paa papaalis sa bilog. Pero hindi pa man ako nakakalayo doon ay biglang may sumigaw.
“Miranda! Yohoo!”
Mabilis akong lumingon nang marinig kong si Manry iyon. Pero nang makita ko sa bilong ang aking matalik na kaibigan ay muntik ko nang makalimutan huminga. She exposed my identity! Ano na ngayon?
“That's Miranda?” tinuro ako ni Polly at mataman na tinignan si Kuya Ash, and he nodded! What the heck? “In fairness, ang ganda niya. Ang swerte niya sa'yo.”
Binawi ni Kuya ang kaniyang pagtango, pinalitan niya iyon ng iling. “No, Polly.” pasiuna niya. “I'm lucky to have her. She's kind and generous. Kaya anong ‘di ko mamahalin sa kanya?”
Buong maghapon akong lutang dahil sa sinabi ni Kuya Ash. Mabilis ding kumalat ang balitang may gusto sa akin ang tumatakbong Top 1 ng STEM. Kahit nga ang mga teachers ay nalaman ang balita at palaging binabanggit ang aking pangalan habang nag le-lecture.
I received a text message from Unknown number. S’yempre medyo weird dahil wala namang akong natatandaan na nagbigay ako ng number kahit kanino o baka sila Mama lang ang may pakana nito.
From: Unknown Number
This is Ash, Miranda. Pwede ba kitang makausap mamayang hapon? I know you hate crowd, i apologize for the motion i created. :)My mouth went 'o' talaga bang si Kuya ‘yun? Kaagad akong napahilamos sa mukha gamit ang aking palad. Para sa akin ay nahihiyan ang bagay na iyon. Nadawit ang pangalan ni Kuya Ash, nadawit din ang pangalan ko. Oh see? Nang dahil lang talaga sa pagiging monggoloid ni Manry. Nagdadalawang isip tuloy ako ba't ko ‘to naging kaibigan! T'se!
“Oy, mahal.” Manry pinched my nose. “Sorry na, ‘di ko sadya. Natukso lang sa mga taong nanonood, baka kase mapunta yung confession sa KMJS, instant artista na ako kung sakali!”
Nilabas ko ang aking dila. “P’we! ‘Wag mo nalang ako kausapin! Mamamatay ako sa kahihiyan. T’yaka, ipapa-tulfo kita!” pinandilatan ko siya.
“K-Kuya Raffy..” she clasped her hand and act like she's in front of Sir Raffy Tulfo. “..wala po akong kasalanan. Please po, may mga anak pa ako na papakainin, ang mga magulang ko may sakit! Huhu ‘wag po!”
Biglang umeksena na naman si Mark, kaya pinalabas ko si Manry. Alam kong mag e-eskandalo na naman yan kung ‘di niya makakausap ang nag-iisang star sa starbucks ng kaniyang buhay. Love really make people go crazy, tama nga si Papa. Si Manry nga ang unang nagkagusto sakanilang dalawa ni Mark, tapos siya pa ‘yong hinahabol. Aba! Kung ganyan din ako, siguro sobrang ganda ko na.
Tumayo ako galing sa aking pagkakaupo at naglakad papuntang comfort room. Bigla kase akong naiihi pagkatapos kong uminom ng tubig.
“Siya ba si Miranda?”
“Ang ganda niya naman pala, kaya iyak nalang magagawa ng Polly na ‘yon.”
“Buti nga sakan’ya! Ang obvious kaya na ‘di siya gusto ni Ash ‘tas pa confess-confess pa!”
Tanging iling nalang ang aking nagawa habang papasok ako ng cubicle. Ang tatlong babae kase doon sa labas ay grabe kung makalait kay Polly. Hindi naman niya iyon kasalanan kung bakit siya nagkagusto sa kabaitan ni Kuya, kusa lang kase 'yong feelings! Kusa! Palibhasa wala kaseng nagkakagusto sakanila.
“I hate my self! Bakit ba kase ang pangit ko! Argh! Stupid!”
Naghuhugas na ako ng aking kamay nang makarinig ako ng ilang kalabog sa huling cubicle ng comfort room. I turned off the water and dried my hand. Akala ko ay doon na magtatapos ang pagdadabog ng babaeng iyon pero nasundan pa ‘yon ng tatlo pa.
Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala kaya dahan-dahan kong kinain ang distansya ng sink at cubicle. Nang makalapit na ako doon ay saka ko lang na-realize na umiiyak pala ang taong iyon. I knocked once but no one answered.
Mas nilakasan ko pa ang pangalawang katok. “Excuse me, Miss? Okay ka lang po ba—”
“Do i sound okay?!”
Napaatras ako ng bahagya sa sigaw niyang iyon. Magsasalita sana ako ulit nang biglang bumukas ang pintuan ng cubicle. Nanlaki ang aking mga mata kaya My heart skipped a beat when i saw the person behind that sobs.
“P-Polly..”
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Dla nastolatkówFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...