"Merry Christmas!"Ngumiti ako at sinalubong ng yakap kay Tita Lexie. She hugged me back. "Salamat Tita! May regalo din kami!" kumalas ako sa kanya at inabit ang mga nakabalot na kahon sa aking likod.
"'Wag na Miranda!" narinig kong humalakhak si Tita kaya napalingon ako sa kanya. "Sagutin mo lang anak ko, ang gandang regalo na 'nun."
My face heated after that. Nang marinig ko ang kantyawan nila Mama at Tita ay kaagad akong umiwas sa kanila. Lalabas na sana ako ng kusina nang bigla akong salubungin ni Kuya Ash. May dala siyang isang kahon sa kaniyang kanang kamay.
"M-Merry Christmas!" napabati ako ng walang oras. Napasilip ako sa regalong nakabalot sa gift wrapper.
He chuckled. "Merry Christmas, baby.."
Baby.
"..by the way, nandito ba sila Mom at Tita Sabrina? May inihanda kase akong regalo sa kanilang dalawa."
Tinuro ko kung saan sila Mama. Akala ko ay para sa akin 'yon! Ang assuming ko naman masyado. Tinawag naman ako ni Papa dahil limang minuto nalang ay magpapasko na. Dumaan muna ako sa aking kwarto at kinuha regalong inihanda para kay Kuya. Naibigay ko na kase kina Mama at Papa ang mga regalo na hinanda ko para lang sa kanila. Nabigyan ko na din si Tita Lexie at Tito Alexandre.
"Bilisan niyo na dyan! Dalawang minuto nalang!"
"Opo!" i fired back. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa backyard. Nandoon kase ang lahat ng mga handa at mga paputok.
Kanina pa ako nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba ang aking plano, which is pagbigay ng regalo kay Kuya Ash. Sa tingin ko ay lahat ng bagay na gusto niya ay nasa kanya na. Napatingin ako sa maliit na paper bag na aking bitbit. Nasa loob 'nun ang dalawang kulay pula na panyo. Baliw na siguro ako! Sino ba namang tao ang mamimili sa mall last hour before Christmas? Ako lang!
Nang pababa na ako sa hagdan ay may malakas na pagputok ang umalingawngaw sa labas ng bahay. Narinig kong nagtawanan at nagbatian sila Mama at Tita Lexie ay napangiti lamang nang mapagtanto ko ang pangyayari.
Pasko na..
"Merry Christmas, Miranda."
Lumingon ako sa aking likod, ang unang namataan ko sa lugar na iyon ay si Kuya Ash. Nakatupi ang kaniyang long sleeves hanggang siko, basang-basa ang kaniyang mga kamay at ibabang parte ng kaniyang polo. I titled my head and crossed my arms.
"Why?" naguguluhan niyang tanong niya. "Late na ba ako?"
I shook my head and smiled. "Wala, Kuya. Merry Christmas! Bakit ka ba basang-basa?"
"Ah.." he scratched his nape and chuckled. "..pinaghugas kase ako ni Mom ng pinggan sa kusina. 'Di ko namalayan ang oras, alas dose na pala, that's why I rushed out."
Muntik na akong gumulong sa kakatawa. Sobrang nakakatawa ng kan'yang mukha! "Naghugas ka lang pala? Sobrang basa mo oh! Akala ko naligo ka sa lababo!"
Both of us laughed and exchanged gifts. Abot-langit ang aking tuwa nang makita kong regalo niya ay isang necklace. Kulay berde ang diyamanteng nagsisilbing pendant ng necklace. And knowing me, gustong-gusto ko ang color green! Nang matanggap niya ang regalo ko ay halos 'di na siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba o ayaw niya sa bagay na iyon.
"Thank you Miranda! Gagamitin ko 'to everyday!"
I rolled my eyes. "Everyday? Dalawa lang 'yan, uulit-ulitin mo? 'Di ka ba mauumay sa mga panyong iyan?"
"Of course not! My woman gave me this, bakit ako mauumay?"
December 25, sa araw ng pasko, sinagot ko si Kuya Ash. That day i confessed that I'm in love with him too. Sa araw na iyon ko rin inamin kay Kuya Ash na pumapayag na akong maging bahaghari niya pagkatapos ng malakas na ulan. That's romantic! I-I mean, super.. ugh, paano ba i-describe ang bagay na 'yon? Love is super powerful at nakakawindang.
"Ang baba ng scores ko babe.." muntik na akong maiyak sa inis habang nagdadabog ako kay Kuya Ash. Sobrang baba kasi ng aking mga makuhang marka sa quarter na 'to. "..look oh!" tinuro ko ang papel.
He titled his head and tsked his tongue. Inagaw niya ang papel mula sa akin at itinaas. "Ayaw mo ba 'to?"
"Huh?" hindi ko siya maintindihan.
"I mean, ayaw mo ba sa Engineering babe?"
Bigla akong nagdalawang-isip. Naalala ko ang totoong rason kung bakit ako nandito sa STEM. Simple, gusto ko lang na sundan ang yapak ni Papa sa Engineering industry. Isipin mo, another Flores sa Engineering industry? Not bad, super good.
What about my dream? Gusto ko maging Chef. Sabi kasi ni Mama noon na may potensyal ako na maging kusinera dahil aside sa pagiging masarap ko na literal eh,masarap din ako magluto. Habang lumalaki ako ay hindi ko na maisip ang kahit anong pangarap ko. Because i always see Papa's profession and honor. Kaya gusto ko ring maging kagaya niya.
"Gusto, babe.." i whispered.
"Tara," napaangat ako ng tingin kay Kuya Ash nang tumayo siya. He offered his left hand to me and smiled. "..kain tayo?"
Habang naglalakad kami ni Kuya Ash papunta sa kainang sinabi niya ay nagkw-kwento siya sa akin. Lutang na lutang ang aking isipan kaya tango lang ako ng tango. Kahit anong sinasabi niya o kahit tawagin pa niya ang aking buong pangalan ay lumalabas lang ito sa aking kabilang tenga. Para lang akong hangin na naglalakad!
"Kapag masama ang loob mo, dapat kumain ka ng ice cream.."
I lift my head and crossed my arms after i saw the name of the shop. Akala ko ay saan kami kakain! Sa ice cream shop lang pala! T'yaka, kailan pa siya nagka interes sa mga sorbetes? I thought he hate sweets!
Pinaupo niya ako sa bakanteng table at nag order. Wala akong paborito na flavor! Tyaka hindi naman ako masyadong kumakain ng ice cream eh. I only like coffee, rainy and him. Kaagad na kumalat sa aking utak ang kahihiyan. Bakit ko ba 'yun naisip? Ehem, Miranda, it's normal! I shook my head. Oo nga pala, boyfriend ko na pala siya.
Nang palapit na siya sa akin ay narinig ko siyang nagtanong. "Anong gusto mo dito? The chocolate one or strawberry?"
"Ikaw." prangka 'kong sagot.
I saw him smirked, kaya kaagad na naman akong namula. Stupid mind talaga! Bakit ba kase ang harot ko? Muntik ko na siyang masigawan dahil kasunod ng pag smirk niya na iyon ay ang nakakaasar niyang ngiti. He cleared his throat.
"Don't worry babe.." ngumiti ulit si Kuya Ash, i mean babe pala. "..I'm all yours." and he winked.
Edited: 08-23-2021
----
Author's Note:Hello guys! Magandang araw sa inyong lahat. Salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa kwento ni Ash at Miranda. Medyo maayos na rin ang aking pakiramdam pagkatapos ng mga kapighatian na nangyari sa aming buhay. Patuloy lang tayo! I'm so proud of you all! God bless!
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Fiksi RemajaFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...