Chapter 2

341 86 32
                                    


   Ang sabi ng adviser namin ay mayroong mga STEM students sa school namin na mag a-advice at magbibigay ng tips para sa kursong kukunin sa College. Umayos ako ng upo nang mapansing dumaragsa na ang mga estudyante sa labas ng aming classroom.

“Please welcome, the Grade 12 department.” inimuwestra ni Ma'am ang kanyang kamay and the visitors walk towards the teachers table.

Sunod-sunod na pumasok ang mga estudyante at humilera sa gitna. Pero nang makakita ako ng pamilyar na tindig ay doon na napukaw ulit ang aking atensyon. Teka.. Parang kakilala ko 'yan ha! Parang.. sobrang espesyal niya sa 'kin noon..

“Good day, I'm Ash Drix F. Travosco, Science Technology Engineering and Mathematics student.” nagpakilala ang lalaki.

My heart skipped a beat. Wait-- wait a minute! Si Kuya Ash ‘yarns? I blinked several times. Nawala lang ako ng ilang years, ang bilis naman ata niyang mag glow up! I mean, gwapo naman siya noon at may height, pero ngayon mas lalo pa! Ten times na siyang gumwapo at tumangkad! Umiling ako at sinubukang makinig sa mga nagsasalita.

Hindi ko talaga maisip na siya ‘yong crush ko noon na ‘di ako maka get over. Hindi ko nga matandaan kung makapag move on ba ako sakanya o wala. I mean, he- he just rejected me on spot! Tapos, kaboom! I disappeared, vanish, gano'n. Simple crush confession pero kung maka reject, parang nag propose na ako, wow ha! Sinabi ko lang sa kaniya nung araw na iyon na 'I like you' tapos ang haba-haba na ng sinabi! Akala mo naman gaano ka tanda, he's just one year older than me! Feeling naman mas matanda siya ng five years.

Buong atensyon ang ibinigay ko sakanya habang nagsasalita ang iba niyang mga kasama. Wala na akong ibang matandaan na detalye sa kaniya, just about his name, family gano'n lang. Parang ‘di naman ata siya ‘yan e. Pinagloloko lang siguro ako ng lalakeng 'to. Baka ginaya niya lang pangalan ni Kuya Ash o di kaya‘y namali ko lang ng rinig. Ang gwapo ng isang ‘yan, parang greek god! I shook my head. Miranda naman! ‘Di naman imposible na mas gumwapo pa siya diba? Genes palang nila Tita at Tito!

“Hoy Ash Drix! Ikaw mag closing ha, pagkatapos ni Frank.”

Huminto ako sa pag-abot ng mga pagkain sa loob ng aking bag. What the hell? Oo na nga! Naniniwala na ako. I scoffed, mentally. Eh ano naman ngayon kung siya si Ash Drix Travosco? Hindi ko naman ‘yon crush pa. Puppy love ko lang naman 'yon noon. Expired, done, tapos na, end. Kapag na reject na once, 'wag na uulit, expected naman na rejected ulit sa second try e.

Nakikipag-usap pa ako sa aking isipan nang biglang natahimik ang lahat ng kaniyang mga kasama. Bigla niya kaming hinarap at ginawaran ng matamis na ngiti. Wait-- wait! Pa review! Ngumiti siya? He smiled? Like ngiti talaga? Napalunok ako. Ipagdadasal ko mamaya na 'di ako madaluyan ng pagiging marupok ng mga silya. Don't! I can't! Baka ma rejected ulit ako, can't afford to cry again.

Narinig ko ang tilian at nagtuksuhan ng mga kaklase ko. I rolled my eyes. Fine fine! I concede defeat! Marupok na ako. Binigyan ko ng masamang tingin ang bawat babae kong kaklase, hindi rin naman nila pansin iyon dahil nakabaling ang kanilang atensyon kay Kuya Ash. I scoffed. Sayang at wala akong lason dito, edi sana habang nakatingin kayo kay Kuya Ash, lalagyan ko ng lason ang tubig niyo. My brain kept chanting his name all over again.

He's mine, only mine.

Ba't ganon? Sinumpa ko siya no'ng makaalis kami ng Pinas na hindi ko na siya iisipin pa at magugustuhan pero ngayong nakita ko na siya, nawawala lahat? Napabuntong hininga nalang ako nang maka alis silang lahat sa classroom namin. Malay ko ba? Maybe, I'm just marupok and mapagmahal at the same time. Masamang mangsumpa ng tao, lalo na kung love mo pa. Aish—what am i saying! Bakit gano'n? I don't love him, brain okay? Like lang!

“Anak, bilisan mo mag-bihis dyan. May pupuntahan tayo ng Papa mo.” Mama knocked the door of my room. Hindi sana ako tatayo nang marinig ko ang baritonong boses ni Papa.

He also knocked my door. “Bilisan mo Miranda.”

Napatayo ako at pumunta sa closet. Samut-saring mga bestida, blusa at iba pa ang nandoon. Napansin ko ngang nakatupi parin ang bff t-shirts namin nila Faye sa may pinakadulo nito. Kulay itim iyon, palatandaan na kami ang gangsters ng school. Pain crossed my mind.. Noon ‘yon, nung ‘di pa nila ako iniwan.. Iba na ngayon.

“Ang dalaga mo na anak ha!” nakita kong napangiwi si Mama dahil alam niyang ayaw na ayaw ko na pinupuri. Sinuot ko kase ang binili ni Papa sa akin nung Christmas Eve. Bestida iyon na kulay dilaw, at may malaking sunflower sa pinakaharapan.

“Salamat po, Ma.” makahulugan ko siyang tinignan.

“Ang ganda mo tignan anak..”

Pinalaki ako ng mga magulang ko na mapagmahal at may puso. S'yempre, pinalaki din nila ako na hindi sinungaling. At kapag sinabi nila iyon, ‘yon na talaga ‘yon. No lies, no jokes.

Si Papa ang nagsilbing driver namin ni Mama dahil naka leave ang aming personal driver. Natawa nga ako nang asarin ni Mama si Papa na sa kanto lang daw kami bababa. Natigilan ako nang huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Teka.. This is Tito Alexandre and Tita Lexie's house! Parang kahapon lang 'to ha!

“Finally, all of you came.” napansin ko ang pag irap ni Tita Lexie kay Mama. Tumawa lang ang aking Ina at sumunod na. Matagal nang magkaibigan sila Mama Sabrina at Tita Lexie, simula pa daw no'ng highschool pa silang dalawa.

“Pare!” nakita ko ang pagbangga ng dalawang kamao ni Tito Alexandre at Papa Giovanni. At kahit na hindi tinatanong, halatang magkaibigan sila. Nagka bond sila bago ang kasal ng isa't-isa. Ang ganda ng goals ‘no? Mag best friend ang mga babae, ‘yong mga lalake naman ay mag best friend din. Eh ‘yong anak? Ayaw maging best friends eh, gusto more than friends.

Charot! Baka magkatotoo!

I bit my lower lips and started to feel awkwardness. Teka.. ba't nga ulit ako mag-isa dito sa labas? Napailing ako at naisipan na pumasok sa kanilang garden— ang tanging lugar na nakakaramdam ako ng kaginhawaan at peace.

“Babe, i'm so glad that you invite me here. Nagkaroon talaga kami ng maraming oras ni Tita Lex na mag-usap.” the woman smiled.

Babe? Nang silipin ko ang buong hardin ay doon ko lang nakita na may nauna na pala doon kaysa saakin. Sayang! Napapadyak ako saaking paa, nang tumigil silang dalawa sa pag-uusap ay doon ko lang napagtanto na napalakas ata ang pagdadabog ko. I covered my mouth and slowly entered the kitchen's door. Miranda naman! ‘Di ka kabayo pero 'yong sipa mo, ang lakas!

“Hindi ko naman kawalan kung ‘di ka pupunta.” muli kong sinilip ang labas. Akala ko ay ibang tao ang nasa labas, pero nagkamali ako.

It was Kuya Ash. .

Edited: 05-28-21

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon