Imbes na sermon ang ibigay saakin ng mga magulang ko ay naging asar pa ‘yon. Paulit-ulit nila akong pinaalalahanan na ayaw daw ni Kuya Ash na magkaroon ako ng ibang lalake sa buhay ko (except kay Papa at Tito) kung ‘di siya lang daw. Ang assuming netong mga magulang ko! Pag itong anak nila, umasa, sila talaga ang kauna-unahang tao na kakatukin ko ang pintuan sa gitna ng gabi.Biglang dumating ang buwan ng United Nations. Ang pinakaayaw ko na buwan sa lahat dahil kaming lahat ay dapat nakasuot ng mga kasuotan sa lugar na iyon. Kung gaano kakapal ang make up na nasa picture, dapat ganon din saamin. Palagi nga akong inaabsent sa Amerika twing ganto na ang event, tas may ganito din pala sa Pilipinas.
“Mag botohan lang tayo kung ano ang magandang lugar na pipiliin. Ilalagay natin sa ballot box ang inyong mga one fourth sheet of papers at bibilangin natin ang inyong mga suhesyon at boto.”
Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko dahil excited na silang bumoto para sa paborito nilang lugar. Napansin ko ring natigilan sila sa pag-iingay at paggalaw nang napagtanto nilang wala pala silang ¼. At ‘yon ang pagkakamali ko, dahil huli na nang nailabas ko na ang aking papel. Napuno ang desk ko ng animo'y mga gutom na zombies na kailangan na ng makakaing utak.
“Ses! South Korea sa‘tin! Anueng hasayo?”
“Japan tayo! Nando'n si Levi Ackerman!”
“Tanga! Gusto mo magsuot tayo ng kimono? Hindi tayo mag co-costplay ‘no!”
The minuet hand of the clock started to tick. Mukhang nauubusan na talaga ako ng oras nito. Nang ianunsyo ni Ma'am na five minutes nalang ang natitira ay napilitan ko na isulat ang kaisa-isang lugar na napuntahan at nasabihan ko na ang sobrang ganda at lawak.
Japan - 25 South Korea - 25
USA - 1Napatingin ang aming guro saaming lahat nang maitala niya ang lahat ng mga boto sa blackboard. Nagsimulang magbulong-bulungan ang aking mga kaklase. Isang boto nalang kase at mananalo na ang isa sa dalawang bansa na popyular sa panahon na ito. Medyo nahihiya nga ako dahil—
“Pwede bang itaas ni Miranda Geneva Flores ang kaniyang kamay?”
Ito na nga ba sinasabi ko! Napalunok ako ng laway at sabay angat saaking kaliwang kamay. “Ako po iyon Ma'am.”
Tinaasan niya ako ng kilay kaya muntik na akong maihi sa kaba. Mas lalo pang naging mga bubuyog ang aking mga classmates dahil sa tensyon. Bulong dito, bulong doon. Kay ibang bulong nga na halos rinig na rinig na dahil sa lakas o sinasadya para marinig talaga. Itinuro ni Ma'am ang aking boto.
“Bakit USA ang pinili mo?” she asked. Tumayo ako at hinawi ang aking maikling buhok. My knees started to tremble because of the way the subject teacher looks at me.
“Actually po, before ako nandito ay galing ako ng Amerika..”
“Edi ikaw na ang mayaman.” sigaw ng isa, halatang naiinis na.
“Silence!”
Nagpatuloy ako. “...Akala ko ay tulad lang siya ng ibang lugar pero hindi, ibang-iba siya. Lahat ng mga taong nakatira sa USA ay parang mga Pinoy lang kung makipag bond sa kapwa, kahit na ang iba ay may kasamaan sakanilang puso, ay may kabutihan parin namang natitira.”
“Para saakin ay sobrang unique ng USA hindi dahil sa advance nitong teknolohiya, overpopulated, o ano man. USA is unique because that place is beautiful. May taglay siyang ganda na walang iba ang makakapantay, na walang iba ang makakagaya.”
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Teen FictionFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...