Chapter 18

119 40 4
                                    


Nang maluto ang pancake na hinahanda ni Tita Lexie kanina pa ay kaagad niya iyong hinain sa aking maliit na plato. I smiled and mouthed thank you. She smiled back and poured juice on my glass. Ang sabi niya kanina ay inutusan siya ni Mama na bantayan muna ako dahil alam niyang magiging mag-isa lang ako sa bahay namin.

“Where's Ash Drix?” biglang nalukot ang kaniyang mestizang mukha. “Hindi ba kayo nagsabay today?”

I gulped, twice. “A-Ah, Tita. Sabi niya kanina ay may estudyante daw na gustong humabol sa klase nila, kaya ‘yon, nag review sila together.” ngumiti ako.

“Ayos lang iyon sayo, Miranda?” i cleared my throat, i know what she means. “Hala! Baka iba iniisip mo ha, i mean, ayos lang sayo na ‘di kayo sabay umuwi?”

Nakahinga ako ng maluwag. Good. Mabuti.

I nod. “Ayos lang naman, Tita. Tyaka alam ko naman pong umuwi mag-isa in case of emergency like now. Si Tito Alexandre po? ‘Di niyo po siya kasama?”

“Your Papa and Dre went together doon sa Davao de Oro na ‘yun. Ayaw niya nga akong isama e, parang anong sobrang importante, about business lang naman.” she rolled her eyes. “Gusto ko sanang sumama pero mukhang seryoso talaga usapan doon, walang biro.”

“Pwede po ba magtanong Tita?” may biglang pumasok sa aking isipan. Tumango siya as response and sip on her glass. Ang inipon kong hangin sa aking baga ay pinakawalan ko na, this is it.

“May kilala po ba kayong Polly?”

Biglang nag-iba ang timpla ni Tita. Muntik na siyang mabilaukan, buti na lang ay tapos na niyang nguyain ang kaniyang pancake. Kung kanina ay sobrang gaan ng kaniyang aura, ngayon ay sobrang dilim na niya tignan.

“I-It's okay lang—”

“Siya ‘yung babaeng dala ni Ash sa first dinner natin nang makabalik kayo sa Pilipinas..” tumigil niya sa pagsasalita, at mukhang ayaw na ito dugtungan. “I bet you don't like her, aye? Ako rin eh, ang sama ng ugali niya.”

I got star-strucked by Tita Lexie's confession. “P-Po?”

“Una sa lahat, hindi siya gumagamit ng 'po' at 'opo' kahit kanino, and i think it's a sign that she's a disrespectful woman.” Tita shook her head, sobrang disappointed niya tignan. “Bigla siyang nagiging PDA sa harap namin, hindi man lang nahihiya sa pagiging dikit niya kay Ash Drix.”

“Tita.. s-she kissed my boyfriend in front of our food court in school..” napaamin ako ng walang oras. I bit my lower lip, tried to fight my emotions.

“Alam ng mga tala kung gaano kita kagustong tulungan, Miranda anak.” iniwasan ni Tita Lexie na magtagpo ang aming mga mata. “But Ash needs to save your company and ours. I bet nagpapapansin na naman iyon kay Ash at nanggugulo sa inyo dahil may kailangan.”

My mouth dropped open. Biglang nanlaki ang aking mga mata, pumasok na sa aking isipan ang susunod na sasabihin ni Tita Lexie. Gusto ko takpan ang aking tenga, para ‘di lang marinig ang katotohanan, gusto ko ring takpan o bulagan ang aking mga mata.. ayaw ko siyang makitang..

“He's going to marry someone just to pay our debts. Ang papa at mama mo ay lubog na lubog na sa utang. P-Pati ang pamilya namin ay pinagbabantaan na ang buhay, Ash my son, nagmakaawa siya sa amin na siya nalang ang gawing bayad sa mga utang namin, just to keep us all safe..”

“Kase..”

Biglang tumunog ang cellphone ni Tita Lexie kaya't nagpaalam siya sa akin na sasagutin niya muna iyon. I tried to call my Papa, gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga bagay na iyon. Bakit kami nagkautang? Bakit kailangan pang si Kuya Ash pa ang gawing bayad? Tyaka ano bang nasa kokote ng lalaking ‘yon ba't ganon ang na offer niya? Hindi ba niya naisip na may girlfriend na siya? Of how would i damn feel?

From: Adviser Fredelin STEM
Hello Miss Miranda! I have granted your excuse, but only for two days. Sadly, may JS Prom tayong gaganapin kaya't kailangan ka namin sa Thursday, napagdesisyonan namin na ikaw ang ang gawing face of our section.

Two days? Napatayo ako galing sa aking pagkakahiga, not bad. Panibagong araw na naman para gawin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin sa bawat Sabado at Linggo. Mag ehersisyo, kumain, maligo,mag sepilyo, mag linis ng kwarto at kumain ulit. Ngayon ay ang unang araw ng aking absence sa school, kaya dapat akong mag shake off ng mga bagay-bagay mula sa aking utak.

“Miranda?” Mama wiped her wet eyes from the sink with dry towel. “Bakit hindi ka pumasok? Akala ko ba may exam kayo—”

I cut Mama off by kissing her cheeks. “Nag excuse ako ma, lately ay sobrang stress na ako sa school. So i need a break from toxic society.”

Nang pababa na ako sa hagdan ay naabutan ko si Papa na nakatayo sa sala. Nasa kaniyang kanang kamay ang isang mug ng kape, at sa kabila naman ay isang d’yaryo. My handsome Papa titled his head and gave me a crook smile.

“Honey? Is that you?”

I nod and kisses his cheeks. “Yes, Pa. Ako lang ‘to, ‘wag ka mahiya.” nagbiro pa ako.

After few jokes, Mama joined us. Umupo siya sa tabi ni Papa, ako naman ay kaharap nila sa sofa. Naramdam kong alam nila ang dahilan kung bakit ako ganito at kung bakit hindi ako pumasok. The smile on our lips, eventually fade. Biglang naging seryoso ang loob ng aming bahay. Dahan-dahang nawala ang mga halakhak mula sa aking bibig.

“Why?” i balled my fists, trying to fight my emotions, trying to chase them away.

Nagpakawala si Mama ng malalim na buntong hininga. Papa held her hands, and just nod. Hindi pa ako nakakaramdam na trinaydor ng sarili kong pamilya sa tanang buhay ko. I mean, i got betrayed by my friends, but not my family! Not by them!

“Nagkautang kami ng malaking halaga ng pera sa isang construction company, anak.” Papa cleared his throat and trying to make an eye contact with me. “Habang pinapadala ng kompanya na iyon ang mga materyales sa construction site namin ng Tito Alexandre mo, na aksidente ang sinasakyan nila. Ang nabangga nilang pedicab ay may sakay na pamilya, sawi silang lahat maliban sa sanggol. S-Sadly, the twenty-five construction workers na nakasakay sa service na iyon, ay.. ay nasawi.”

I gasp and started to cry. It's harsh! Paano nangyari ang lahat ng iyon? Bakit gano’n?

Mama tapped Papa's shoulder. Nagkatinginan sila saglit, ibig sabihin 'nun ay nanghihingi si Mama ng permisyo na siya na ang magpatuloy. Papa just nod.

“Galit na galit ang kamag-anak ng mga nasawi. Akala nami’y s-sa kompanya sila galit, ngunit galit sila sa atin.. Kasalanan daw namin kung bakit namatay ‘yung mahal nila sa buhay, ganon, ganyan.” huminga ng malalim si Mama. “May nagbanta nga sa buhay natin e, pati na sa buhay nila Lexie. Medyo matagal-tagal na ang pangyayaring iyon, hindi pa tayo nakakauwi ng Pinas ‘nun.”

“Then bakit pa tayo umuwi Mama?” muntikan na akong mapasigaw. My parent's already knew that it's dangerous here in the Philippines because we received numbers of death threats, ‘tas ganito pa?

Nagkatinginan silang dalawa ni Papa.

“Kase mas maraming nakasunod sa atin sa States kaysa dito anak. Someone tried to shoot your father before the day of our flight. And, and..”

“..nakita naming may nakasilip sa bintana mo nang matutulog kang mahimbing.”

And everything went blurry.

Edited: 08-26-2021

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon