I bowed my head and apologized. Mabilis akong lumabas ng comfort room nang makita ko ang galit na mukha ni Polly. Pulang-pula siya, at kaunting salita ko nalang ay sasabog na niya sa galit. I started to curse under my breath. Bakit ba kase ako nakiki-alam pa?“Oh, nandito lang pala si Miranda e!”
Otomatikong tumigil ang aking paa sa paglalakad nang marinig kong tinawag ang aking pangalan. At nang mag taas ako ng tingin ay ang dalawang lovebirds ng mundo na kumakain pa ng ice cream ang sumalubong sa ‘kin.
“Hi Miranda!” Manry smiled and gestured her hand. “Gusto mo?” she's talking about her ice cream. Wala akong oras para makipagbiruan sa dalawang ‘to. “Luh asa ka.” and she rolled her eyes.
Mark groaned. “Manry, baby not like that. Dapat kase ganto.” he cleared his throat. “Hello Miranda, gusto mo ba ng ice cream o ako?”
Tumili si Manry at pinaghahampas ng bitbit niyang sling bag si Mark. “Ang landi mo! Feeling walang jowa! Ano ka ha? Mag break nalang tayo!”
The corridor of our floor was filled with our laughter and Manry's loud smashes. Mark didn't mind and kept laughing, pati nga ako ay halos gumulong na ako kakatawa. Sa gitna ng tawanan nila ay kitang-kita ang pagmamahal sa bawat isa. They look so in love and, and.. Argh! Ang cute nilang dalawa, ba't ako walang ganyan? Teka.. bakit ba ako nakakaramdam ng inggit?
“Miranda..”
I thought this moment would never end. Nang biglang may pumukaw ng aking atensyon. Para bang bigla akong nabingi at nakalimutan na nag-iingay ng dalawang nag-iibigan. Ngumiti ako ng malapad nang makita ang taong ‘yon.
“Kuya Ash? Ano ginagawa mo dito?” mahina akong tumawa.
Tumikhim siya. “Na receive mo ba ‘yong text message ko?”
Doon ko lang naalala ang text message na iyon. Hala! Makikipag-usap pala si Kuya sa ‘kin ngayon! Ang dami kaseng nangyari kaya nakalimutan ko na ang ibang bagay. Like the bathroom scene, Polly, the lovebirds err..
“Sorry, nakalimutan ko.” nag peace sign ako. “Let's go?”
“Hala mag d-date din kayo?” Manry butt in, hinila niya si Mark at malapad na ngumiti. “Kami din! Double date tayong apat para masaya!”
I rolled my eyes. “Hindi kami nag da-date, Manry. May pag-uusapan lang kami. Kung gusto niyo mag date, kayo nalang.”
The four of us bid good-byes to each other. Ang sabi ni Mark ay mag d-dinner date daw silang dalawa ni Manry, pambawi daw sa mga araw na naging topakin ang girlfriend niya. At ako naman ay sumunod nalang kay Kuya Ash kahit saan siya maglakad. He didn't exactly told me where are we going, pero sabi niya naman usap lang.
Ibang-iba na talaga ang tingin ko kay Kuya. His eyes were dark and annoying before, pero ngayon, his eyes look so inspired.
“Look, Miranda..” panimula niya. “That's why I'm not afraid to confess in front of everyone earlier because i really mean it.”
“Po?” i blinked several times.
He sighed deeply and exhaled. “I practiced too much for this day, damn, nauutal pa rin ako. Stupid me.. can't even look at you while confessing.” My mouth dropped open. Ha? Ano daw? Narinig kong humalakhak siya ng mahina. “Hindi mo man tinatanong, pero para sa akin ikaw ang pinakamagandang bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan.”
Nagsimulang magwala ang aking puso, kasunod nito ang aking pagkabingi. I can't hear my surroundings! Ang lakas ng tama ko! After months of reconnecting, here we are, standing and confessing feelings. Natahimik kaming dalawa.
Should i confess too?
”K-Kuya i—” like you too!
“You don't have to say anything,” he smiled. “i just want you to listen.” napatikom ang aking bibig.
Biglang tumunog ang mga kadena ng swings sa playground nang humangin ng malakas. Nagsiliparan ang mga dahon na nasa lilim ng puno kaya kaagad kong hinawakan ang aking palda. Monggoloid ka, Miranda! Baka ‘di lang dahon tangayin ng hangin, baka pati panty mo rin! Natawa ako sa aking nalalaman.
“Six months..” ngumiti siya at tumingala sa kalangitan. “six months after reconnecting with you, finally, nandito na ako sa harapan mo. Confessing and telling what's really going on inside my head and heart.”
“You're still the little Miranda who loves to help, tease, cry and eat. Sumbong doon, sumbong dito, takbo do’n, hanggang madapa at umiyak.” napatawa ako. Biglang sumeryoso ang kaniyang awra. “If you're still thinking about Polly's confession earlier, stop it.”
Bigla kong naalala ang pangyayari sa bathroom. Mabilis ko iyong iniwakli sa aking isipan. Bakit ba kase ako naaabala sa kaniya? Ulo ko lang talaga pinapasakit ko.
“I can reject everybody just for you, Miranda..”
Muntik na akong maiyak nang marinig ko iyon. Mabilis na napuno ang aking mga mata ng maiinit na luha. Malapit nang mag landing ang eroplano ng pag-ibig. Hindi ko alam ganito pala kasarap sa pakiramdam na makatanggap ng confession. Nakaka-taba ng puso at nakakaiyak at the same time.
“Miranda?” he called out my name.
I wiped my tears quickly. “Yes Kuya?”
“Can i court you?”
I almost lost in space. Akalain mo, childhood crush mo, nandito sa harapan mo, nagtatanong kung pwede ka ba ligawan! Halos sumabog ako sa gulat at kilig nang marinig ko iyon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at pinaypayan ang aking sarili. Napupuno na kase ang aking noo ng mga pawis.
“Ayos ka lang ba?” napatingin ako sa kanya.
Mabilis akong tumango. Kailangan ko nang pumayag bago pa magbago isip naming dalawa. “Yes kuya,” humugot ako ng malalim na hininga at dinagdagan ang aking pahayag. “Payag na ako.”
He blinked twice. “What? Pardon?”
Inip ko siyang tinignan at naglakad ako pabalik sa building. Narinig ko siyang sumigaw na hintayin ko siya. Nasa gitna na kami ng field nang mahabol niya ako. Hindi kagaya ng mga pelikula ay hindi niya ako kinulong sa kanyang mga bisig. He just poked me! Sabagay, ano ba ini-expect ko?
“What do you mean? I don't understand..” hingal niyang tanong at napakapit sa kanyang tuhod.
I rolled my eyes. “Sabi ko, oo, kailangan pa bang ulitin?”
He shrugged his shoulder and shook his head. Halatang walang kaalam-alam sa ibig kong sabihin. Biglang tumama ang sinag ng araw sa madamong field. Doon ko lamang napansin ang pagbabago ng panahon ngayong hapon. By mood din ba yung panahon? O nakikisabay lang sa amin ni Kuya Ash?
“Sabi ko, pumapayag na ako na mangligaw ka.”
Edited: 08-09-2021
--------
Author's Note:
Today is my Father's 6th Death Anniversary. Sa taong naging likod ng kaniyang pagkawala, his best friend, si Lord na ang bahala sayo. Still naniniwala pa rin ako sa, "Justice delayed is justice denied." Happy reading!
BINABASA MO ANG
Oblivion Love (Love Series #1)
Teen FictionFormer Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat na Engineer na si Giovanni at plain housewife na si Sabrina Flores. Matalino, pinalaking may puso at...