02

229 13 0
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 02

Continuation:


Nagdaan pa ang mga araw at patuloy pa rin si Icarus sa iba't ibang klase ng paraan ng paninindak nito sa akin. Ngayong araw din yung kailangan kong sumama kay Icarus sa kadahilanan na hindi ko alam kung bakit nais niya akong sumama sa kaniya. Isang simpleng sando-dress lang yung suot ko na kulay itim habang nakalugay ang medyo kulot kong buhok.

Saan nga ba kami pupunta?

Nais ko mang magtanong kay Icarus ngunit nababahala ako na baka sigawan niya lang ako kagaya ng palagi nitong ginagawa sa t'wing magiging pala-tanong ako. Kaya naman pinili ko na lamang magkibit balikat sa loob ng ilang minutong biyahe hanggang sa makarating kami sa isang private cemetery.

I looked around.

Habang mabagal yung usad ng sasakyan ay bahagya akong nakatingin sa labas upang magmasid sa paligid. At mula sa hindi kalayuan 'ay isang bulto ng mga tao yung pumukaw sa aking atensyon. Bulto ng mga taong nakasuot ng itim habang ang ilan sa kanila ay nagluluksa sa kaharap na kabaong.

Huminto sa gawing iyon ang sinasakyan namin ni Icarus.

Narinig ko pa ang pagsinghap ni Icarus kaya't lumipat sa kaniya ang aking atensyon.

“Wear this, Amethyst”

Tinignan ko ang bagay na inabot sa akin ni Icarus, isa 'tong belo na kulay itim na may kasamang sunglasses na kulay itim rin. Nagdadalawang isip man pero tahimik kong tinanggap 'yun mula sa kaniya.

“Let's go!” anito matapos kong maisuot yung belo at salamain.

Para akong bata na naka-buntot kay Icarus habang palapit kami sa mga taong kagaya namin ay puros itim din ang kasuotan. At habang palapit kami nang palapit sa kanila, I can heard their mourning. Mga panaghoy ng pangungulila at tila'y hindi tanggap ang bagay na sinapit ng taong kanilang pinagluluksaan.

Ang bigat sa pakiramdam.

Huminto si Icarus kaya't huminto din ako sa paghakbang.

“Mr. Montreal?” may pagtataka at takot na bigkas ng isang lalake matapos nyang makita si Icarus.

“Ikaw!” dumako naman ang aking tingin sa babaeng galit na sumigaw habang matalim ang tingin kay Icarus.

“Kasalanan mo 'to! Ikaw a-ang pumatay sa anak namin! Hayop ka!” sunod-sunod na sigaw nito tsaka sumugod patungo kay Icarus. Bahagya naman akong dumistansya kay Icarus.

“Umalis ka! Lumayas ka dito! P-pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa anak namin, Damien! Demonyo ka!”

Ramdam ko kung gaano kabigat at kasakit para sa babaeng 'to ang mawalan ng minamahal sa buhay. Yung hinagpis sa tono ng kanyang boses, alam kong naghahatid 'to ng hindi pagtanggap sa presensya ni Icarus lalo na ng sunod sunod nyang pinaghahampas ang dibdib ni Icarus. Gayun rin ang paraan ng pagpatak ng kanyang luha, punong puno ng pagdadalamhati at galit.

Maraming mata na rin ang nakatingin sa eksenang nangyayari pero nananatiling tahimik at walang kibo si Icarus, bagkos hinayaan niya lang yung may edad na babae na hampas-hampasin siya.

“Tama na ling! Tama na!” pag-awat ng lalakeng asawa nitong babae.

“Hindi ako titigil hanggat narito pa ang lalakeng 'yan! Paalisin niyo siya!” hysterical na sambit ni misis kahit inaawat na siya ng kanyang mister.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon