13

207 18 4
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 13.

AMETHYST’s POV

Kapuwa kaming tahimik ni Icarus habang nasa harap hapagkainan. Iba't ibang putahe rin ang nakahanda sa lamesa. I don’t know if there was an occasion or what. Pero base sa set-up ngayon, Icarus seems to have an important guest waiting. At kung sakaling meron, sino naman?

“I thought you weren't coming”

Basag ni Icarus sa katahimikang bumabalot sa amin. Hindi rin ako nakapagpigil ng sarili at nagawang tignan kung sino ang personang kausap niya. My eyes slowly widened when I saw Sanjo. Bakit siya narito? Anong ginagawa niya dito? Humigpit pa ang paghawak ko sa tablecloth o tapete gayung nakapatong ang isang kamay ko sa ibabaw ng mesa.

Did Icarus intend to send Sanjo here to carry out his plan? Damn. This can't be happen.

“Take a seat, Mr. Matsumoto” paunlak ni Icarus na ikinatingin ko sa gawi nito.

“What trick is this, Icarus?” pabulong at timping tanong ko, but he just looked at me reluctantly.

“Hindi ko inaasahan na pati pala sa pagdating ko ay pinaghandaan mo pa, Mr. Montreal”

Sanjo stepped closer to the seat offered by Icarus. Pekeng tumawa ang mga ito na siyang ikinayuko ko. Gustuhin ko mang magsalita ngunit hindi ko magawa dahil sa pag-aalinlangang nararamdaman. Seriously, this is my fault. Hindi na dapat pa pumunta dito si Sanjo dahil alam kong ikapapahamak niya lang 'to.

I had to take action just to stop Icarus from what he was planning to do against Sanjo.

“How's your whole day, Sanjo?”

“Just like before, nothing new” Sanjo’s replied as he sat down. “Ikaw ba Damien, kumusta ang buhay? Are you still sleeping well in the situation you have?”

“What do you think is the answer to your question, Sanjo?”

“Well, I think, your own conscience is still putting you to sleep– pero meron ka pa nga ba nun, Damien?”

Namagitan ang saglit na katahimikan. Pinagmasdan ko rin ang bawat reaksyon sa mukha nila, they are like a bomb that can explode at any time. Ngunit muling nagsalita si Sanjo dahilan para mabura ang tensyong namamagitan.

“By the way, salamat nga pala sa paunalak mo Mr. Montreal, malugod kong hinahayag na masaya akong nakasama kita sa ganitong okasyon lalong lalo na si Ms. Aori

Sanjo looked at me after he spoke. Pero agad ring naputol ang pagtitigan namin ng magsalita si Icarus.

“Glad to hear, but anyway let's have some food”

Bilang signal ay unang kumuha ng makakain si Icarus sa mga putaheng nakahain. Napuna ko pa ang hindi pagkilos ni Sanjo habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Icarus. Does he have no plans to get a foods to eat? And because it looks like that, inabot ko yung rice plate para sana ialok kay Sanjo ngunit parang langaw na dumapo sa palad ko ang kamay ni Icarus para lang pigilan ako sa pinaplanong gawin.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon