26

790 37 53
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 26


AMETHYST’s  POV

May ngiti sa aking labi habang nakatanaw ako sa mga naggagandahang tanawin na aking nakikita habang nakasakay kami kasalukuyan ni Icarus sa sky ranch. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming dumaan dito bago kami tuluyang bumalik sa rest house. Noong tinanong ko siya 'kung bakit' ang tanging sagot niya lang sa'kin ay 'tiyak na magugustuhan ko raw ang views dito' which is true. Maganda talaga at nakaka-relax sa utak. But I'm still curious pa rin kung bakit kailangan muna naming mag-stop over sa lugar na 'to.

I felt someone holding my hand so I looked at the man next to me. And when our eyes met, he smiled lightly at me. Bakit parang ang weird? Ngayon pa nga lang kami nagkaka-moment ng ganito pero bakit parang sinasabi ng utak ko ito na yung huling sandali na makakasama ko si Icarus.

Damn! Huwag naman sana.

“Amethyst?” mapanuyong bigkas niya sa pangalan ko. “I actually have a lot more plans for our vacation, but I hope you understand me if I have to tell you this...”

Nangunot ang noo ko. At ang matamis na ngiti sa labi ko ay unti-unting naglaho. Ano bang ibig mong sabihin, Icarus?”

He smiled sparingly and caressed one of my cheeks. Kailangan kong bumalik sa Manila.”

Tuluyang bumagsak ang magkabila kong balikat at ang masayang pakiramdam ay napalitan ng panlulumo't kalungkutan pagkatapos kong marinig ang ulat ni Icarus. Babalik siya ng Manila? Bakit? Iiwan niya ba ako rito? Anong dahilan niya at bakit kailangan niyang bumalik ng Manila?

“I know it's sudden, Amethyst. But promise, I'll be back here after I take care of the transaction”

Sa totoo lang ay gusto kong tumutol. Pero sino ba naman ako para pumapel sa buhay at desisyon ni Icarus, ni wala ngang kasiguruhan kung magkakalabel nga ba 'tong koneksyon namin sa isa't isa.

“N-naiintindihan ko, Icarus. Pero hanggang kailan ka posibleng magtatagal ro'n?”

Bumuntong hininga ito. Yung buntong hininga na walang katiyakan. “If I could finish that in one day, I would insist. Pero dahil malaking transaction ang magaganap, there is no guarantee how many days I will stay in Manila, Amethyst”

Ganun ba? Eh, kailan ka naman aalis pabalik ng Manila?” hard to hear but I still need to know Icarus' answer.

“That's why I brought you here since I want to be with you first before I return to Manila this morning.”

Sapat na ang mga narinig ko kay Icarus kaya't ibinalik ko sa mga naggagandahang tanawin ang aking atensyon. I don't want him to notice that I'm sad. Panghahawakan ko na lang siguro yung bagay na sinabi niyang babalik siya rito pagkatapos nung transaksyon na tinutukoy niya. Hindi niya naman siguro ako bibiguin sa bagay na iyon 'di ba?

“Amethyst--”

“It's okay, Icarus. I understand. But just be careful lalo na sa pagbiyahepamumutol ko sa bagay na sasabihin ni Icarus habang nasa kawalan pa din ang atensyon ko.

“I-I'm sorry...”

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa n'yang humingi ng paumanhin. Bakit? Dahil ba iiwan niya ako dito at siya lang mag-isa ang babalik sa Manila? Anong big deal do'n? Wala naman ata unless wala na siyang planong balikan ako or what. Ngunit tulad nga ng pakiusap niya sa akin, I would trust him as much as I could.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon