21

197 25 2
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 21.

AMETHYST’s POV

Agad akong lumingon sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas at sara nito. I saw Icrus as if heaven and earth were covering him because of his appearance.

Kagat labing nginitian ko siya at dahan dahang lumapit sa kaniya para kunin ang supot na kanyang bitbit.

I smiled peacefully as I opened the plastic bag. Ngunit pagkadismaya ang gumuhit sa reaksyon ko ng hindi ko nasilayan ang pagkaing hinahanap ng katawan ko.

Nasaan dito yung rambutan at lanzones ko? Kinain mo ba?” nagtatagis ang ngipin nang tignan ko ito. “Sumagot ka!”

Saglit siyang yumuko at muling tumingin ng diretso sa mga mata ko. I hate that look. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ganyang klase ng tinginan. Huwag niyang sabihin na wala siyang nakita kaya't hindi niya nabili ang rambutan at lansones ko. Kainis siya!

“I told you, hindi pa araw ng mga rambutan at lansones, Amethyst. Saan mo ba ako balak paghanapin ng wala? Tsaka ayos na 'yang sunkist at grapes, gayung pare-parehong hugis bilog at prutas naman ang mga iyan”

Binalingan ko nang tingin ang hawak kong supot na may lamang grapes at sunkist. He is right. Prutas din naman ito at mukhang masarap kainin pero yung rambutan at lansones talaga ang gusto kong kainin. Sayang lang 'to.

Hm, mas mabuti sigurong siya na lang ang kumain dahil 'di ko rin naman planong kainin ang mga ito lalo na't busog na rin ako ng pastang kinain ko, kanina lang pag-alis ni Icarus. Hehe

“Kung ganun lang din naman pala, edi ikaw na lang ang kumain ng mga iyan!”

Iritabling ibinalik ko kay Icarus ang supot na hawak. I flip my hair at irap ang matang tumalikod. I walked to the bedroom and lay down on the bed. Matutulog na lang siguro ako dahil sa pagkakatanda ko ay may pupuntahan pa kami ni Icarus after 2 hours break.

Saan naman kaya kami pupunta?

At anong klaseng lugar naman kaya iyong pupuntahan namin?

And why am I suddenly felt nervous?

Hindi naman siguro plano ni Icarus na ihulog ako sa bangin o ipa-salvage 'no?

Gaya nga ng sabi niya ay gagawin namin ang mga posibleng bagay na ginagawa sa isang bakasyon kaya sa tingin ko naman ay mag i-enjoy ako mamaya sa pupuntahan namin. Well, sana lang talaga. But for now, I need to take some rest.

____

“I love the ambiance, Icarus” anito ko habang inilibot sa buong paligid ang paningin ko.

Napakagandang tanawin. Para bang nasa isang maliit na paraiso kami ni Icarus. Paraisong nababalot ng iba't ibang yaman mula sa magagandang tanawin at yamang dagat. Napangiti pa ako ng isang alitaptap ang lumapit sa harapan ko na animo'y winiwelcome ako sa napakagandang  tahanan nila. Pero syempre, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang malinaw na tubig mula sa dagat.

Galing sa sinag ng buwan, ito ang nakadagdag ganda sa mala-crystal na kulay ng tubig alat. Sa bawat hampas at alon ng tubig, tila sumasabay sa isang sayaw ang nagniningas na kinang ng tubig alat. Lalo pa akong namangha sa mga nasasaksihan nang makita ko ang pagsulputan ng ilang lanterns sa himpapawid.

“Every year, ipinagdiriwang sa lugar na ito ang kapiyestahan ng pag-ibig” sambit ni Icarus na ikinapaling ko rito.

“Pag-ibig?” nagugulimihanang tanong ko.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon