22

211 26 2
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 22.

THIRD PERSON’s POV

Kagaya ng usapan ay nagtungo si Icarus sa lugar kung saan siya nais makita ng taong balak makipag-usap sa kaniya upang linawin ang mga bagay na siya namang pinaniwalaan ni Icarus.

Alinlangan at pagkabahala ang pangunahing nararamdaman ng binata habang palapit siya nang palapit sa lugar kung saan sila magkikita ng taong katagpo.

Tama ba itong gagawin niya?

Nais niya lang din namang malinawan kaysa lunurin ang sariling utak sa mga palaisipang naglalaro sa kanyang isipan. Dahil ikaw nga ni Icarus, mas maganda na yung malinawan ka sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa iyong sarili kaysa panatilihing balisa ang iyong utak sa bawat araw na lilipas.

At kung ano man yung gigimbal sa pagkatao niya sa oras na makaharap ang personang nagpapakilala bilang si Sabina, ang asawa niyang matagal nang yumao— there is really no guarantee that Icarus will be able to believe that woman.

Malalim ang paghingang pinakawalan ni Icarus. Narito na siya sa lugar kung saan sila magkikita. Gamit ang kulay asul na mga mata, nagawang libutin ni Icarus ang buong paligid para pakiramdaman ang daloy ng sistema. There seems to be nothing suspicious. Humakbang siya at naglakad patungo sa isang lugar na halos kalapit lang ng dagat.

Isang babaeng petite ang nakita niya rito habang may belong itim na suot.

“Excuse me?” Icarus grabs the woman's attention.

Unti-unti itong lumingon sa kanyang gawi hanggang sa tuluyang sumilay sa kulay asul na mata ni Icarus ang tunay na itsura ng personang kaharap. He can't believe in what he saw. Para siyang nakakita ng taong matagal nang patay. Ngunit tama bang mahulog siya sa patibong ng taong ito? Paano kung pakana lang ito ng isang organisasyon na nais siyang sirain at pabagsakin kaya't nakuhang lumikha ng isang babae na kamukhang-kamukha ni Sabina.

Posibleng ganun na nga pero posible ring si Sabina nga talaga ang kaharap niya sa sandaling ito.

“Icarus...” she was about to hug him but Icarus immediately stopped her as well.

“You can't fool me, woman!” nagtatagis ang pangang saad ni Icarus.

“W-what do you mean? I thought you would be happy when you see me, Icarus”

“If you think you can get me through this scam, you are mistaken!”

“Ikaw ang nagkakamali, Icarus. A-ako talaga 'to, si Sabina, your wife--”

“Sabina is DEAD!” nakababaliw man ngunit kailangan niyang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso.

Maaari ngang magka-mukha kayo, but the woman you are referring to has been dead for a long time! Kaya't huwag mong buhayin ang taong matagal ng patay!”

“No, Icarus, please listen to me first?” she grabbed his arm. Hayaan mo akong ipaliwanag sayo ang lahat-lahat para malinawan ka, pakiusap?”

Masidhing tinignan ni Icarus ang mga mata ng babaeng kaharap. Bakas sa itsura nito ang pagsusumamo. Gustuhin man niyang paniwalaan ang sarili na si Sabina ang taong kaharap. Ngunit iba ang isinisigaw ng isipan ni Icarus. Iba ang inuutos ng kanyang katawan. Tila limot na ng kanyang puso kung paano niya minsanang minahal ang babaeng ito.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon