17

181 18 2
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 17

THIRD PERSON’s POV

Patuloy sa pagbagtas ng madilim na daan si Amethyst. Hindi alintana ang takot sa isipan nito sa posibleng mangyari sa kaniya sa kalagitnaan ng malawak na kakahuyan habang balot na balot ng pag-asang matatakasan na niya ang lalakeng tinuruan siya kung paano mamuhay sa mala- impyernong mansion na iyon.

Sa kabilang dako, nangangambang sinalubong ni Lylia ang madilim at galit na presensiya ni Icarus. Natatakot siya na baka sa isang iglap ay bigla siyang burahin ng lalakeng ito sa mundong ginagalawan nila dahil sa kadahilanang naging pabaya siyang katiwala.

Umiigting ang pangang lumapit sa kaniya ang lalakeng kinatatakutan ng karamihan at maisyusong inusisa ang buong pangyayari kung bakit nga ba nasalisihan sila ni Amethyst.

“Where is Amethyst?” kalmado man ang tinig ngunit bakas ang galit sa baritonong boses ni Icarus.

Hinalughog na namin ang bawat sulok ng mansion pero hindi talaga namin siya makita, s-sir Damien”

Mas lalong kumislap ang galit sa ekspresyon at mata ni Icarus pagkatapos marinig ang ulat ni Lylia. Humulma din ng pabilog ang kamao nito sanhi ng hindi maipaliwang kung saan niya ba dapat ilugar ang galit na nararamdaman. Ngunit nang maalala ang isang bagay na batid niyang magiging kahinaan ni Amethyst, madaling inutusan ni Icarus si Lylia upang ipakuha si Sanjo.

Iharap niyo sa'kin si Sanjo!”

“O-opo, sir Damien” mabilis na kumilos si Lylia upang sundin ang bagay na ipinag-uutos ni Icarus.

“At kayo, sumama kayo sa akin!” karagdagang utos ni Icarus sa ilang tauhang naroon.

Humakbang palabas ng mansion si Icarus buntot ang ilan sa kanyang tauhan. Wala mang katiyakan kung saang lupalop ng kakahuyan sumuot ang babaeng pakay nilang hanapin, pero isa lang ang kayang siguraduhin ni Icarus— ang hindi makalayo't tuluyang makatakas si Amethyst sa kanyang puder habang nasa tiyan pa nito ang batang posibleng maging tagapagmana sa lahat ng ari-ariang nasa ilalim nang pamumuno ni Icarus.

Halos magkandarapa naman si Amethyst sa pagsuot sa mga naglalakihang puno't halaman makahanap lang ng pupwede niyang madaanan palabas sa tila gubat na lugar na ito. Saglit pa itong huminto para maghabol sa paghinga habang nakahawak ang isang kamay sa katawan ng higanting puno.

Nasaan na nga ba siya?

Tuluyan na nga ba siyang nakalayo sa puder ni Icarus?

Muling sumariwa sa isipan ni Amethyst ang bawat proseso kung paano nga ba siya tuluyang nakalabas sa mansyong pag-aari ni Icarus Damien Montreal. Isang sektetong pintuan ang natagpuan ni Amethyst sa garden kung saan siya madalas tumatambay o nagpapalipas ng kabagutan sa t'wing nahohomesick ang dalaga. Ang pintong konektado sa isang daan para tuluyang makalabas sa mansyon na iyon ng hindi namamalayan ng karamihan.

Bagamat abot kamay na nga ni Amethyst ang kalayaang inaasam-asam 'di pa rin maiwasan ng dalagang isipin si Sanjo. Nagiguilty pa rin siya sa bagay na ginawang pag-iwan dito kahit alam naman niyang kagustuhan rin ni Sanjo na magpaiwan sa lugar na 'yon. Tama nga bang iniwan niya ito? Kahit ang tunay na dahilan ni Sanjo ay isakripisyo ang sariling kalayaan alang-alang kay Amethyst at sa batang dinadala nito.

“Sige na, dalhin niyo na 'yan!”

Walang ganang tinignan ni Sanjo ang babaeng nagsalita, si Lylia. Mapang-asar pang ngumisi si Sanjo habang dalawang lalakeng may matitipunong pangangatawan ang lumapit sa kaniya at marahas siyang binitbit patayo. Isang ismid ang pinakawalan ni Sanjo. Batid niya sa kanyang isipan na ito na ang magiging kapalit sa desisyong pinagpasiyahan kaya't una pa lang ay napaghandaan na ni Sanjo ang bagay na posible niyang kahantungan sa pagharap sa sariling kamatayan.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon