09

167 8 0
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 09

Continuation:

Pasado alas otso (8:00) na ng gabi nang makarating kami ni Icarus sa isang pribadong casino. Naka-angkla sa kanyang braso ang kanang kamay ko habang tinatahak namin ang isang pasilyo papasok sa loob ng nasabing casino. And when we get in, hindi ko inaasahan na ganito pala 'to kalawak at talaga nga naman' napakaraming player o manlalaro na narito.

Nilibot ko nang tingin ang buong paligid at iba't ibang klase ng sugal ang nakita ko. Poker, craps, shuffle, etc—  ilan lang 'yan sa sugal na medyo familiar sa akin but I don't know how to play it. Natigil lang din ako sa pag-iisip ng huminto kami ni Icarus sa paglalakad.

“We're here so get ready, Amethyst” bulong ni Icarus kaya't binalingan ko ng tingin ang lugar kung saan kami pupwesto.

Naroon na si Mr. Gilbert, prenteng nakaupo habang  kausap ang ibang players habang nagtatawanan pa ang mga ito. I took a deep breath as I tightened my grip on Icarus' arm. Natatakot at kinabahan ako. Baka kasi hindi kami magtagumpay ni Icarus sa planong gagawin, but still I have to trust him.

Sana lang talaga'y maging matagumpay ito.

“Let's go,” we walked closer to them.

Huminto sila sa pagdadaldalan at tawanan ng maramdaman nila ang presensiya namin ni Icarus.

“Narito na pala ang dakilang panginoon ng karamihan. Hahaha” may bakas sa tonong pang-aasar ni Mr. Gilbert kay Icarus.

“At talagang nagsama ka pa ng panaya 'no?” segunda ng matanda tsaka ako pinasadahan ng tingin up and down.

Manyakis.

“Ilugar mo 'yang kabastusan mo Mr. Gilbert”

Bahagya akong tumingin sa tagiliran ko ng pumulupot sa aking bewang ang braso ni Icarus. I was a bit lost because of that. Nakakailang lang kasi. But Icarus and I sat down as well.

Ngayon, mukhang magsisimula na ang laro.

“The game is on,” anito ng dealer.

Pero dahil hawak ni Mr. Gilbert ang wild card which is yung joker kung tawagin sa normal na baraha, ibig sabihin non ay si Mr. Gilbert ang unang maghahagis ng dice habang ang ibang players naman ay maglalagay ng chips o tataya sa chosen card nila.

Sinundan ko nang tingin kung saan naglapag ng chips si Icarus. At gamit ang isipan ay binasa ko ang naka-sulat sa isang malaking bilog, eight for all? What is that mean?

“Sigurado ka na ba diyan, Damien?”

“What do you think, Mr. Gilbert?”

“Hm, sa akin walang problema kung d'yan ka tataya since marami ka namang pera!”

Ngumisi ng nakakaloko si Icarus. “Let's play the game, Mr. Gilbert”

“As you wish, Montreal!”

Mr. Gilbert thrown the two dices he held, wala akong kaalam-alam sa nilalaro nila at kung paano ba 'to tatakbo kaya naman nagulat na lamang ako nang humalakhak si Mr. Gilbert ng malakas upang mas asarin ang lalakeng kasama ko.

Shit. Talo ba kami?

“Betting all your chips is not bad, Damien. But better luck next time!”

Nanlumo ako sa bagay na narinig. Totoo nga, talo kami ni Icarus. Dismiyadong napayuko ako at mahigpit na napahawak sa laylayan ng dress na suot ko. Bakit naman ganun? Hindi ba siya nag-iisip?

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon