16

248 20 1
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 16

Continuation:

Hindi na ako pinatulog pa ng masamang panaginip na gumising sa'kin ngayong umaga. At kahit ilang oras na ang lumipas ay 'di pa rin maalis sa'king isipan ang kakila-kilabot na panaginip na iyon. Parang totoo na animoy isang babalang 'di ko mawari kung anong klaseng babala ang nais  ipinapahiwatig nun.

“Ito, inumin mo 'to isang beses sa isang araw bago ka matulog

Nabalik ako sa wisyu ng marinig ko ang tinig ng Doctor na nag check-up sa'kin. Walang imik na tinignan ko ang hawak niyang maliit na boteng may mga tablitas na laman. Sinuri ko ang bagay na iyon hanggang sa mabasa ko ang nakasulat 'ferrous sulfate', inangat ko ang isang kamay ko at kinuha ang gamot na inaabot niya sa'kin.

“Don't worry, it can help you and your baby to prevent from iron deficiency anemia. At hangga't maaari, please don't stay up too late, that won't help you especially with the child.”

Maliit akong ngumiti bilang tugon sa kanyang sinabi. Pinanood ko lang din 'to habang inaayos ang ilan pirasong gamit niya. Hindi na rin pala kami nagtungo ni Icarus sa clinic para doon sana magpa-check up bagkos kumuha na lang ito ng private doctor na gagabay sa pagbubuntis ko.

“Next week na ulit tayo magkita Ms. Aori, sundin mo lang ang bagay na ibinilin ko sayo gaya nang pag-inom ng sapat na tubig, iwas sa pag-expose sa mga usok, chemical, pagkain ng junkfoods na sobra sa alat at tamis, drink milk instead of alcohol, at syempre 'wag kalimutan ang pagkain ng gulay at prutas

Maraming salamat po,” tumayo ako ng matantong paalis na ito.

“And since, it's your first baby, don't forget to take a simple exercise. Huwag kapuwersahin ang sarili lalo na't medyo mahina ang kapit ng bata, take a bed rest instead”

Patuloy na paliwanag ni Doc hanggang sa makarating kami sa exit door, iginiya ko pa 'to sa sasakyan na maghahatid sa kaniya which is isa din sa tauhan ni Icarus. Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kuwarto kung saan naabutan ko si Icarus na ngayon ay bihis na bihis habang inaayos sa harapan ng malaking salamin ang sariling kurbata. Napuna ko namang tila nahihirapan ito sa bagay na ginagawa kaya't walang pagdadalawang isip na nilapitan ko siya upang tulungan.

Nakakaawa naman kasi.

“What--”

Kurbata na nga lang 'di mo pa alam kung paano isuotaniya ko na ikinaputol ng pagsasalita nito.

He smirk, “Sino bang nagsabi na hindi ako marunong?” pagmamataas niya na akala mo naman ay tunay ngang alam niya kung paano.

“Ah, kaya pala hirap na hirap ka sa bagay na ginagawa mo 'no?” nang matapos sa ginagawa ay bigla kong isinagad ang pagkakakabit sa kurbata dahilan para sumakal iyon kay Icarus.

“Damn it, Amethyst, it's too tight!”

Pasensiya na, mukhang napahigpit atapagpapalusot ko at mahinang tumawa. “You know what, if you want to be a good father, dapat pagdating sa bagay na 'to ay alam mo kung paano gawin lalo na kung nais mong maalagaan ng maayos ang anak mo. Syempre 'di naman pwedeng iasa mo na lang palagi sa iba yung pagpapalit ng diaper”

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon