05

165 13 0
                                    

A RUTHLESS MAFIA LORD
By: Deymwutt

Chapter 05

LYLIA’s  POV

I was busy with the thing being done when I received a call from sir Damien. Noong unay nagtataka pa ako kung bakit siya napatawag lalo na't batid kong nasa kalagitnaan sila ng malaking event sa sandaling ito. But when I answered the call I was startled by the news I heard.

“What?! F-fine I will try. Yeah, bye!” I ended the call.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad dumiretso sa aking silid upang subukang gawin ang bagay na ipinag-uutos ni sir Damien. At bilang dakilang researcher ni sir Damien, I need to find out all the places where Lander can take Aori.

“Here we go again. Sana lang ay makisama ka!”

I sat down in my favorite spot while whispering weakly to myself. I opened it as well and waited for a few minutes— kailangan pa kasi nitong mag loading bago tuluyang bumungad sa mga mata ko ang tunay na nakapaloob sa computer na kaharap.

Sana lang ay maging matagumpay ako sa bagay na gagawin. Dahil kung sakaling mabigo ako, it is possible that Amethyst will never be able to return here alive.

I know Lander’s personality.

Kung ikokompara sa sampung high profile na kalaban ni sir Damien, Lander is one of the five highest profile who's not easy to bring down. Matinik pa 'to sa palos kung kumilos lalo na pagdating sa mga gawaing krimen. Kaya nga nagtataka ako ngayon kung bakit si Amethyst pa ang nagawang ipain ni sir Damien sa siraulong Lander na yan.

“Okay, binggo!” I utter when I finally succeed to do my job.

Agad kong kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng computer table upang ihayag kay sir Damien ang lugar na kinaroroonan ni Amethyst at Lander— the psycho.

“I found them sir Damien.”

[“Where?”]

“La Aquaria of Gomez.” bigkas ko sa pangalan ng lugar.

[“Okay, good job Lylia!”] sir Damien said as he dropped the cellphone.

It's time to payback Lander Gomez. Ngayon, sigurado ako na dito na magtatapos ang kasakiman at kasamaan niya. Mabuti pa sigurong magpaalam na siya sa mga mahal niyang piranha at pating.

________

AMETHYST’s  POV

Nagising ako ng may tumapik sa aking pisnge. When I opened my eyes, I saw Lander's face immediately. Nginisian ako nito ng nakakaloko at ngumuso upang ituro sa akin ang isang bagay.

Halos mapamura ako sa isipan ng makita ang dalawang pares ng pating na malayang umaaligid sa ibaba ko. Muli kong binalingan ng tingin ang walanghiyang si Lander.

“Hmpp!!!”

Bagamat nakabusal ang aking bibig wala akong ibang mabigkas o magawa kundi ang mapa-angit na lamang.

“Kung hindi mo sana inubos ang aking pasensiya, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon Aori.” maamong tinig ni Lander pero bakas pa rin sa boses nito ang pananakot at pagbabanta.

Nagpumiglas ako.

Gustong gusto kong kumawala mula sa pagkakatali ngunit yumayakap sa aking katawan kung gaano kahigpit ang pagkakatali nila sa akin sa upuan na ito.

“Don't worry Aori, I am happy to deliver this news to Icarus!”

Ginawaran ko siya ng isang matalim at masamang tingin. Nababaliw na talaga ang lalakeng ito. Ngunit mabilis ring nabura sa mga mata ko ang tapang na nararamdaman ng pindutin ni Lander ang kulay pulang bilog o button dahilan para maramdaman ko ang dahan-dahang pag-angat ng upuang kinasasadlakan ko patungo sa gitna ng malaking aquarium kung saan naroon ang dalawang pating na tila kanina pa naghihintay sa kanilang makakain.

𝐀 𝐑𝐔𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐋𝐎𝐑𝐃 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon